sentimental asukal
The Love Poems of Khavn
About Me
KHAVN De La Cruz has won for his poetry and fiction in the Don Carlos Palanca Memorial Awards, where he has also served in the jury. He has been selected twice in the University of the Philippines National Writers Workshop as a Writing Fellow. Khavn has received the Dean’s Award for Literature from his alma mater, the Ateneo De Manila University, where he also has lectured. His books of poetry and fiction are published by the University of Santo Tomas Publishing and the University of the Philippines Press, among them is “Ultraviolins”, the first postmodern book of stories in Filipino. Khavn is also an acclaimed filmmaker and musician.
Thursday, January 08, 2009
Umiiyak pataas ang bintana ng kotse sa highway.
Mga luhang palayo sa lupa, patungo sa langit na di kailanman mararating.
Maiipit at mamamatay ang mga luha sa gomang singit ng bintana.
O di kaya'y walang kahirap-hirap na pupuksain ng wiper.
Mapapalitan ng bagong luha.
Mas marami sila ngayon.
Pero walang pinag-iba sa mga nagdaang luha.
Pare-parehong umaasa sa wala.
Wednesday, June 01, 2005
Unang Pag-uusap Sa Telepono
Pumapalahaw ang pamangkin mong
apat na buwan pa lang,
at kailangan mo siyang patahanin,
ngunit hindi mo ito magagawa nang kausap ako,
kaya kailangan mo nang ibaba ang telepono,
kahit gusto pa kitang makausap,
kaya nagpaalam ka na,
at binati ako ng magandang gabi.
apat na buwan pa lang,
at kailangan mo siyang patahanin,
ngunit hindi mo ito magagawa nang kausap ako,
kaya kailangan mo nang ibaba ang telepono,
kahit gusto pa kitang makausap,
kaya nagpaalam ka na,
at binati ako ng magandang gabi.
Tuesday, May 31, 2005
Ars Romantica
minsan, naitatanong
sa sarili kung para
saan ang umibig
ng pag-ibig na kasing-
ilap ng bulag na bituin?
para makasulat ng tula?
sa sarili kung para
saan ang umibig
ng pag-ibig na kasing-
ilap ng bulag na bituin?
para makasulat ng tula?
Ulan
May lumuluha.
Nasa ilalim ka ng ulap,
malayo sa anino niya,
naliligo
sa malamig na tubig
na walang kulay
kundi salamin ng mata mo.
Magdaraan ang ulan
sa bibig,
maalala mo ang kanyang matang
kahawig ng titig mo,
lalasahan mong muli
habang nakatikom ang mata at labi,
hindi mo mabura ang alaala ng mata niya,
unti-unti kang naglalaho
kapiling ng pagtila ng ulan.
May lumuluha.
Nasa ilalim ka ng ulap,
malayo sa anino niya,
naliligo
sa malamig na tubig
na walang kulay
kundi salamin ng mata mo.
Magdaraan ang ulan
sa bibig,
maalala mo ang kanyang matang
kahawig ng titig mo,
lalasahan mong muli
habang nakatikom ang mata at labi,
hindi mo mabura ang alaala ng mata niya,
unti-unti kang naglalaho
kapiling ng pagtila ng ulan.
May lumuluha.
Walang-hanggang Paalam
Paalam, sabi ko. Paalam, sabi mo. Ngunit walang gustong umalis.
Kaya sasabihin ko uli, paalam.
At sasabihin mo uling paalam.
At sasabihin natin ang salitang paalam hanggang maglaho ang orihinal nitong kahulugan at mapalitan ng iba, at darating sa puntong pati tayo ay malilito kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang paalam.
Tititigan kita, ang nangungusap mong mata na hindi ko na kailanman mauunawaan sapagkat hindi ko na masisilayan. At alam na ito ang pinakagagong desisyon sa buhay ko, tatalikod ako at maglalakad palayo.
Kaya sasabihin ko uli, paalam.
At sasabihin mo uling paalam.
At sasabihin natin ang salitang paalam hanggang maglaho ang orihinal nitong kahulugan at mapalitan ng iba, at darating sa puntong pati tayo ay malilito kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang paalam.
Tititigan kita, ang nangungusap mong mata na hindi ko na kailanman mauunawaan sapagkat hindi ko na masisilayan. At alam na ito ang pinakagagong desisyon sa buhay ko, tatalikod ako at maglalakad palayo.
tyope
minsan meron akong anghel
na binigyan ng tula
tulala siya
hindi niya ako kilala
iniwan ko lang sa mesa niya
nang tyempong iniwan niya ito
tapos kitang-kita ko binasa niya
(nakaupo ako sa likod kaya hindi niya kita)
tapos ginawa niya na ulit yung homework niya
na binigyan ng tula
tulala siya
hindi niya ako kilala
iniwan ko lang sa mesa niya
nang tyempong iniwan niya ito
tapos kitang-kita ko binasa niya
(nakaupo ako sa likod kaya hindi niya kita)
tapos ginawa niya na ulit yung homework niya
Tuwing Sabado Ng Hapon
Tuwing Sabado ng hapon,
naglalaho ang lamlam
sa tingin mo,
bigla,
tulad ng batang nakalaya
sa ulan.
Tuwing Sabado ng hapon,
nakaupo tayo
sa isang bilog,
kapiling
ang di-mahawakang
isa't isa,
alam
na laging
may katabing init
ng kamay.
Tuwing Sabado ng hapon,
lumiligwak
ang dugo
mula sa kaliwang dibdib,
at may mga sanggol
na umaahon
mula rito,
may uha
ng bukang-liwayway.
Tuwing Sabado ng hapon,
nalilito ako
kung malulungkot ba
o matutuwa
dahil malapit nang matapos
ang araw
at nagpaparamdam na
ang gabi.
Tuwing Sabado ng hapon,
lalo kitang iniibig,
lalo akong nasasaktan,
at hindi mabura
ng kahit anong paghakbang
palabas ng silid
ang iyong alaala.
naglalaho ang lamlam
sa tingin mo,
bigla,
tulad ng batang nakalaya
sa ulan.
Tuwing Sabado ng hapon,
nakaupo tayo
sa isang bilog,
kapiling
ang di-mahawakang
isa't isa,
alam
na laging
may katabing init
ng kamay.
Tuwing Sabado ng hapon,
lumiligwak
ang dugo
mula sa kaliwang dibdib,
at may mga sanggol
na umaahon
mula rito,
may uha
ng bukang-liwayway.
Tuwing Sabado ng hapon,
nalilito ako
kung malulungkot ba
o matutuwa
dahil malapit nang matapos
ang araw
at nagpaparamdam na
ang gabi.
Tuwing Sabado ng hapon,
lalo kitang iniibig,
lalo akong nasasaktan,
at hindi mabura
ng kahit anong paghakbang
palabas ng silid
ang iyong alaala.
tiraduran
sa batuhan ako lumaki
walang kasamang iba
kundi ang pamana sa akin ni itay na tirador
sanay na sanay na 'ko sa ganoong pamumuhay
patira-tira ng ligaw na maya
nag-iisa
hanggang sa
isang araw
may dilag na naligaw
nag-iisa't
may tirador ding dala-dala
at mula noo'y
kami na ang magkasama
tinitirador ang bawat makita
hanggang sa
nagkataong nagtama ang aming mga mata
at tinirador namin ang isa't isa
at sa batuhan nalibing
ang bawat isa
walang kasamang iba
kundi ang pamana sa akin ni itay na tirador
sanay na sanay na 'ko sa ganoong pamumuhay
patira-tira ng ligaw na maya
nag-iisa
hanggang sa
isang araw
may dilag na naligaw
nag-iisa't
may tirador ding dala-dala
at mula noo'y
kami na ang magkasama
tinitirador ang bawat makita
hanggang sa
nagkataong nagtama ang aming mga mata
at tinirador namin ang isa't isa
at sa batuhan nalibing
ang bawat isa
Takot Ng Paglimot
Tuwing paggising,
sinisiyasat ko
ang loob ng sarili
kung naroon ka pa:
nagsusulsi,
di kaya'y nanonood
ng TV.
Kanina,
naroon ka pa,
nagwawalis
sa itaas ng bahay.
Hindi ako umiinom
ng kahit ano
(isang linggo na),
dahil baka sa pag-inom,
malunod ka.
Ayokong mangyari iyon.
sinisiyasat ko
ang loob ng sarili
kung naroon ka pa:
nagsusulsi,
di kaya'y nanonood
ng TV.
Kanina,
naroon ka pa,
nagwawalis
sa itaas ng bahay.
Hindi ako umiinom
ng kahit ano
(isang linggo na),
dahil baka sa pag-inom,
malunod ka.
Ayokong mangyari iyon.
Suntok Sa Buwan
Gabi-gabi,
sinusuntok ko ang buwan
ng hubad na kamao.
Suntok na hinuhugot
ko pa mula sa dibdib.
Gabi-gabi,
hindi ko ito natatamaan.
Gabi-gabi,
nasasaktan lamang ang dilim
at mga bituin.
sinusuntok ko ang buwan
ng hubad na kamao.
Suntok na hinuhugot
ko pa mula sa dibdib.
Gabi-gabi,
hindi ko ito natatamaan.
Gabi-gabi,
nasasaktan lamang ang dilim
at mga bituin.
Sulat
Sa wakas,
akala ko,
susulatan mo rin ako,
hindi na lang basta
pasisilipin
sa mapanglaw na itim
na bintanang natatabingan
ng manipis na kalansay
ng kurtina,
kundi papapasukin
ng bahay,
kahit hanggang sala lang
(hindi naman yata ito pagkakasala)
pauupuin
sa malambot
ngunit hindi bibigay
na hita ng kama,
at baka painumin pa
ng malamig na tubig
na sinalok sa pusod
ng laot,
sinalaan ng asin.
Sinulatan mo nga ako,
ngunit pareho lang
sa paulit-ulit na titik
na ipinamigay mo sa iba,
walang ipinagkaiba
sa nakababagot
na puting dingding
ng kuwarto ko,
tanging ibinubunyag
sa pagkatao mo
ay na kasinlihim mo
ang nakakandadong baul
ng iyong mga a at o
sa sulok
ng sinasapot na silong,
at nawawala
ang kalawanging susi
sa ilalim ng sahig
ng malawak na dagat.
akala ko,
susulatan mo rin ako,
hindi na lang basta
pasisilipin
sa mapanglaw na itim
na bintanang natatabingan
ng manipis na kalansay
ng kurtina,
kundi papapasukin
ng bahay,
kahit hanggang sala lang
(hindi naman yata ito pagkakasala)
pauupuin
sa malambot
ngunit hindi bibigay
na hita ng kama,
at baka painumin pa
ng malamig na tubig
na sinalok sa pusod
ng laot,
sinalaan ng asin.
Sinulatan mo nga ako,
ngunit pareho lang
sa paulit-ulit na titik
na ipinamigay mo sa iba,
walang ipinagkaiba
sa nakababagot
na puting dingding
ng kuwarto ko,
tanging ibinubunyag
sa pagkatao mo
ay na kasinlihim mo
ang nakakandadong baul
ng iyong mga a at o
sa sulok
ng sinasapot na silong,
at nawawala
ang kalawanging susi
sa ilalim ng sahig
ng malawak na dagat.
Soneto
Saan ka nagtatago?
Sa mga sanga ng palad, sa sahig ng talampakan,
sa loob ng maitim na buhok ng gabi, sa apoy ng araw, kaninong puso?
Kailan ka makikita, magpapakita, mahahawakan, yakap, halik?
Tanong! Tanong! Mga tanong na ipinukol sa pader ng buwan
at bumabalik lang durug-durog, palagi, walang sagot.
Ayoko nang magtanong.
Ayoko nang magsalita.
Ngunit mapang-uyam sa pinakakaibuturan ko ang katahimikan mo.
Ang nakatali mong labi, ang nakakandado mong mata,
natatakpan man ng makapal na kumot, nadarama,
binibingi ako, binibingi, wala nang marinig.
Nasaan ka?
Nasaan ka?
Sa mga sanga ng palad, sa sahig ng talampakan,
sa loob ng maitim na buhok ng gabi, sa apoy ng araw, kaninong puso?
Kailan ka makikita, magpapakita, mahahawakan, yakap, halik?
Tanong! Tanong! Mga tanong na ipinukol sa pader ng buwan
at bumabalik lang durug-durog, palagi, walang sagot.
Ayoko nang magtanong.
Ayoko nang magsalita.
Ngunit mapang-uyam sa pinakakaibuturan ko ang katahimikan mo.
Ang nakatali mong labi, ang nakakandado mong mata,
natatakpan man ng makapal na kumot, nadarama,
binibingi ako, binibingi, wala nang marinig.
Nasaan ka?
Nasaan ka?
Sirena Ng Kaliwang Dagat
Nakikita mo ba siya?
Kumakaway kasabay ng alon,
may ngiti ng silinyasing
nakalaya ng lambat,
salamin ang matang
daluyan ng bahaghari
ng masiglang araw.
Sinusuklay ng hangin
ang buhok, mas mahal
sa pinakamahal na ginto
ang malinaw na hibla.
Nakikita
mo ba siya?
Kumakampay, sinasalok-
sinasaboy ng buntot
ang tubig na nagbubutil,
nagbubuong muli.
Gumuhit ng arko
sa alaala ng dagat
ang paglundag at paglusong
sa tunay na tahanan.
Nakita ko siya.
At nararamdaman ko
sa loob ng katawan ko
ang kahit pinakabahagya
niyang kilos,
nakapagpapaalon
sa pinakamarahang tubig:
Mula sabik na bukang-liwayway
hanggang hapong dapithapon,
pati gabi ng lagalag
na paglakad at paglipad.
Kumakaway kasabay ng alon,
may ngiti ng silinyasing
nakalaya ng lambat,
salamin ang matang
daluyan ng bahaghari
ng masiglang araw.
Sinusuklay ng hangin
ang buhok, mas mahal
sa pinakamahal na ginto
ang malinaw na hibla.
Nakikita
mo ba siya?
Kumakampay, sinasalok-
sinasaboy ng buntot
ang tubig na nagbubutil,
nagbubuong muli.
Gumuhit ng arko
sa alaala ng dagat
ang paglundag at paglusong
sa tunay na tahanan.
Nakita ko siya.
At nararamdaman ko
sa loob ng katawan ko
ang kahit pinakabahagya
niyang kilos,
nakapagpapaalon
sa pinakamarahang tubig:
Mula sabik na bukang-liwayway
hanggang hapong dapithapon,
pati gabi ng lagalag
na paglakad at paglipad.
Sino
Sino ako?
Kumag ng gabi.
Naghihintay sa hamog ng iyong pag-ibig na nasa kabilang dako ng dilim.
Sino ka?
Hindi kita kilala.
Sino siya?
Mahal mo.
Sino ako?
Naglalaho sa talukbong ng mga usok ng langit, kasing-itim ng bulok na tinta.
Wala na ako.
Hindi mo na ako makikita.
Kumag ng gabi.
Naghihintay sa hamog ng iyong pag-ibig na nasa kabilang dako ng dilim.
Sino ka?
Hindi kita kilala.
Sino siya?
Mahal mo.
Sino ako?
Naglalaho sa talukbong ng mga usok ng langit, kasing-itim ng bulok na tinta.
Wala na ako.
Hindi mo na ako makikita.
Sine
Artista ka pala sa pelikulang ito.
Hindi ko alam.
Para kasing totoo.
Ang halik mo.
Ang sinabi mo kagabi.
Magaling lang talaga siguro
ang direktor at scriptwriter.
Huling-huli ba nila
ang buhay.
Huling-huli nila ako.
Paano nila nalamang ganoon
ang gagawin ko
sa ganitong pagkakataon?
Nakakabilib.
Mabuti na lang
at tapos na.
Umalis na ang huling manonood.
Sarado na ang sinehan.
Ngunit bakit magkasama
pa rin tayo?
Hindi ko alam.
Para kasing totoo.
Ang halik mo.
Ang sinabi mo kagabi.
Magaling lang talaga siguro
ang direktor at scriptwriter.
Huling-huli ba nila
ang buhay.
Huling-huli nila ako.
Paano nila nalamang ganoon
ang gagawin ko
sa ganitong pagkakataon?
Nakakabilib.
Mabuti na lang
at tapos na.
Umalis na ang huling manonood.
Sarado na ang sinehan.
Ngunit bakit magkasama
pa rin tayo?
Selos
Hindi mo ipinapahalata
ang pagtulo ng laway
mula sa nakatikom mong labing
takam sa labi niya,
buhok at balat
ng katawan niya.
Bakit hindi
mo na lang sabihing
iwan kita
sa paglalakad?
Binubulungan uli
ng hangin
ang buhok mong nagpapahinga
sa balikat.
Gusto kong kumawala sa upua't
yapusin ka,
tulad ng nahibang na payong,
maari sa sandaling iyon.
Ngunit hindi ganoon ang pag-ibig.
Para itong nalalaglag na tapon,
hinihintay takpan
ang nilikhang butas
sa gitna ng dibdib.
At habang hinihintay,
kailangan munang magtiis,
maramdaman
ang hanging labas-
pasok sa nilikhang butas
ng iyong pagwawalang-bahala.
ang pagtulo ng laway
mula sa nakatikom mong labing
takam sa labi niya,
buhok at balat
ng katawan niya.
Bakit hindi
mo na lang sabihing
iwan kita
sa paglalakad?
Binubulungan uli
ng hangin
ang buhok mong nagpapahinga
sa balikat.
Gusto kong kumawala sa upua't
yapusin ka,
tulad ng nahibang na payong,
maari sa sandaling iyon.
Ngunit hindi ganoon ang pag-ibig.
Para itong nalalaglag na tapon,
hinihintay takpan
ang nilikhang butas
sa gitna ng dibdib.
At habang hinihintay,
kailangan munang magtiis,
maramdaman
ang hanging labas-
pasok sa nilikhang butas
ng iyong pagwawalang-bahala.
Saktan Mo Ako
Gusto kong saktan mo ako
nang buong-buo,
walang awa, walang patawad.
Warakin mo ang puso ko,
pulbusin mo ng iyong kamay,
ng suwelas at takong ng iyong sapatos.
Mahalin mo ako ng yelo at apoy,
hayaan mo akong masunog sa iyong halik,
manigas sa iyong yakap.
Hayaan mo akong mamatay sa pag-ibig mo.
O tapusin na natin ang walang-depinisyong larong ito.
nang buong-buo,
walang awa, walang patawad.
Warakin mo ang puso ko,
pulbusin mo ng iyong kamay,
ng suwelas at takong ng iyong sapatos.
Mahalin mo ako ng yelo at apoy,
hayaan mo akong masunog sa iyong halik,
manigas sa iyong yakap.
Hayaan mo akong mamatay sa pag-ibig mo.
O tapusin na natin ang walang-depinisyong larong ito.
Sakay Ng Dyip
Iuuwi tayo ng drayber
sa ating tahanan.
Habang nanginginig ang dyip
Habang umaawit ng pag-ibig
ang gulong at makina.
Nakasampay ang ating kamay
sa makintab na bituka
ng kabayo ng kalsada.
Pinapainit ng ating puwet
ang namamanhid niyang pisngi,
noo, kuwerong mukha.
Takipsilim,
maraming sasakyang
sumusubok
sa tatag ng lansangan,
maraming nais nang
magpahinga,
kasindami
ng sanggol na bituing
napapaslang
ng usok at gabi.
Kay ganda ng iyong mata
kahit nagdadalantao
kahit di magkakilala
kahit puno ng pagdududa
nag-iisa
malamlam.
Maingat
ang mga bagong dating
na hindi pa nakapapatay
sa kanilang tanambuhay.
Bababa na ako,
mauuna na ako,
Para!
Bingi man ang mensahero
ng pasahero,
Buhay at galit
ang ingay
sa loob at labas,
Para!
Binubuhat
ng malamig na hangin
ang aking paa,
hinahatid
sa semento.
sa ating tahanan.
Habang nanginginig ang dyip
Habang umaawit ng pag-ibig
ang gulong at makina.
Nakasampay ang ating kamay
sa makintab na bituka
ng kabayo ng kalsada.
Pinapainit ng ating puwet
ang namamanhid niyang pisngi,
noo, kuwerong mukha.
Takipsilim,
maraming sasakyang
sumusubok
sa tatag ng lansangan,
maraming nais nang
magpahinga,
kasindami
ng sanggol na bituing
napapaslang
ng usok at gabi.
Kay ganda ng iyong mata
kahit nagdadalantao
kahit di magkakilala
kahit puno ng pagdududa
nag-iisa
malamlam.
Maingat
ang mga bagong dating
na hindi pa nakapapatay
sa kanilang tanambuhay.
Bababa na ako,
mauuna na ako,
Para!
Bingi man ang mensahero
ng pasahero,
Buhay at galit
ang ingay
sa loob at labas,
Para!
Binubuhat
ng malamig na hangin
ang aking paa,
hinahatid
sa semento.
Sa Talahiban
Ala-una ng madaling-araw. Tuyo ang malamig na hangin. May madaraanang talahiban ang papauwing si K. Sa may susunod pa siyang kanto nakatira. Sa kanyang pagdaan, may maririnig siyang halinghing-alulong ng isang babae na nagmumula sa talahiban. Bagabag, papasukin niya ang talahiban hanggang sa makita niya ang isang dalagang kahali-halina, may nakapatong lang na puting seda sa katawan, nakahiga sa isang kama ng pinadapang talahib. Inaakit siya nito. May pag-aalinlangang magaganap sa isipan ni K., ngunit mananaig ang kanyang pagnanasang matikman ang bagong putaheng nakahain sa kanyang harapan. Magtatalik sila. Sasabayan ng sayaw ng talahib at ng nagbabagong hangin ang kanilang indayog hanggang sa sabay nilang maabot ang kasukdulan. At lalamunin sila ng talahiban.
Sa Pagkamatay Ng Prinsesa
“Ano pa ang saysay
ng pagiging tao
kung wala ka na?”
at nanatili siyang duwende
magpakailanman.
ng pagiging tao
kung wala ka na?”
at nanatili siyang duwende
magpakailanman.
Sa Pagkalabit Ng Gatilyo
Mahal kita.
Mahal.
Mahal kita.
Naririnig mo ba ‘ko?
Naririnig mo ba ‘ko?
‘Namputanaman
(Bang!
Mahal.
Mahal kita.
Naririnig mo ba ‘ko?
Naririnig mo ba ‘ko?
‘Namputanaman
(Bang!
Sa Marcos Hi-way pauwi mulang Angono
Ang ganda ng buwan, kahit natatakpan ng ulap, nalalambungan ang kanyang liwanag. Hati pa rin siya hanggang ngayon.
Akala ko, pagkagawa ko ng lahat ng gimmick sa buong mundo, solve na ako. Maari ka nang magpinta, balikan ang iyong ama, mahalin ang mga mahal mo sa buhay. Ako naman, maari nang tumula, sumulat ng kanta, gumawa ng pelikula at maglunoy sa iba pang kahibangan. Hindi pala ganoon kadali iyon.
Nakakatulog ako sa biyahe. Pinagpapahinga ang kaliwang mata at kaliwang dibdib na namamaga dahil sa iyo. Nagigising din bago maumpog sa sahig o katabi. Napapaniginipan kita, palagi, kahit sa mga nakaraang saglit na iyon sa dyip. Hindi ko man maalala ang buong kuwento, tiyak kong nandoon ka, magpakailanmang mananahan sa walang-bakod-kalasag-depensa kong panaginip.
Akala ko, pagkagawa ko ng lahat ng gimmick sa buong mundo, solve na ako. Maari ka nang magpinta, balikan ang iyong ama, mahalin ang mga mahal mo sa buhay. Ako naman, maari nang tumula, sumulat ng kanta, gumawa ng pelikula at maglunoy sa iba pang kahibangan. Hindi pala ganoon kadali iyon.
Nakakatulog ako sa biyahe. Pinagpapahinga ang kaliwang mata at kaliwang dibdib na namamaga dahil sa iyo. Nagigising din bago maumpog sa sahig o katabi. Napapaniginipan kita, palagi, kahit sa mga nakaraang saglit na iyon sa dyip. Hindi ko man maalala ang buong kuwento, tiyak kong nandoon ka, magpakailanmang mananahan sa walang-bakod-kalasag-depensa kong panaginip.
Sa Istasyon Ng Bus
Alam kong hindi mo alam
na naririto ako’t nag-aabang
sa pagdating mo galing eskuwela
(o kung saan ka man talaga galing).
Naghihintay sa dalagang
hinuhulaan ko lang ang damit,
malamang may kasamang lalaki,
ilang pares na ang napagkamalan ko.
Ano nga ba’ng sasabihin ko sa iyo?
Na kahit ano pang sabihin ng pinsan ko,
kahit ano pang hindi mo sabihin sa akin,
ang mahalaga, mahal kita?
Pasado alas-nuwebe-medya na,
siguro sumakay ka nang mas maaga,
o kaya sa kabilang bus na aircon.
Uuwi na naman akong bitin,
parang pagkakaiwan mo sa akin.
Marahil alam mong narito ako,
at wala ka nang sasabihin pa sa akin.
na naririto ako’t nag-aabang
sa pagdating mo galing eskuwela
(o kung saan ka man talaga galing).
Naghihintay sa dalagang
hinuhulaan ko lang ang damit,
malamang may kasamang lalaki,
ilang pares na ang napagkamalan ko.
Ano nga ba’ng sasabihin ko sa iyo?
Na kahit ano pang sabihin ng pinsan ko,
kahit ano pang hindi mo sabihin sa akin,
ang mahalaga, mahal kita?
Pasado alas-nuwebe-medya na,
siguro sumakay ka nang mas maaga,
o kaya sa kabilang bus na aircon.
Uuwi na naman akong bitin,
parang pagkakaiwan mo sa akin.
Marahil alam mong narito ako,
at wala ka nang sasabihin pa sa akin.
Sa Batasan
Para tayong hinihila
ng manilaw-nilaw na ilaw
sa unang araw ng ating pagkakakilala,
Pero patuloy tayo sa paglalakad,
paharap,
hinahanap
ang pulong ng mga konggresista.
ng manilaw-nilaw na ilaw
sa unang araw ng ating pagkakakilala,
Pero patuloy tayo sa paglalakad,
paharap,
hinahanap
ang pulong ng mga konggresista.
Rosas Ng Ulan
Ikaw ang dating rosas ng ulan ko:
Diniligan ng bawat luhang pumatak,
tumubo mula sa laging nagbabagong ulap.
(Wala ka ni anumang tinik sa tangkay;
nasa talulot ang mga tinik mo.
Lagi akong sinusugatan tuwing bubukas.)
Hindi ko pa rin alam
ang dahilan ng pagkakapigtal mo
mula sa hanging kinalalagyan.
Hiwaga pa ring lagi’t laging napapanagimpan
ang bigla mong paglaho habang nalalaglag,
bago mahalikan ng lupa.
At kung bakit may bulaklak na umusbong
mula sa kung saan sa dati mong paanan,
batid lamang marahil ng ulan.
Diniligan ng bawat luhang pumatak,
tumubo mula sa laging nagbabagong ulap.
(Wala ka ni anumang tinik sa tangkay;
nasa talulot ang mga tinik mo.
Lagi akong sinusugatan tuwing bubukas.)
Hindi ko pa rin alam
ang dahilan ng pagkakapigtal mo
mula sa hanging kinalalagyan.
Hiwaga pa ring lagi’t laging napapanagimpan
ang bigla mong paglaho habang nalalaglag,
bago mahalikan ng lupa.
At kung bakit may bulaklak na umusbong
mula sa kung saan sa dati mong paanan,
batid lamang marahil ng ulan.
Rosas Bilang Alaala
"Kapag inusal ng mangingibig
na mamahalin ka niya
magpakailanman,
hindi siya nagsisinungaling.
Sapagkat sa sandaling iyon,
iyon ang tanging katotohanan."
Naaalala ko nang iniabot ko sa iyo ang bulaklak na ito. Hindi ko maalala kung ano ang reaksyon mo. Ang alam ko lang ay na pagkakuha mo, bigla kang nawala. Hinanap kita pero hindi na kita makita.
Tumawag ako sa bahay niyo pero sabi ng nakasagot, hindi ka na raw doon nakatira. Pumunta ako sa eskuwelahan mo pero walang nakakarinig sa pangalan mo. Nagbalik ako sa lugar kung saan tayo nagkakilala. At may nakita akong kamukha mo. Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Naglaho siya sa dagsa ng tao bago ko siya malapitan. Baka hindi ikaw ‘yon, pampalubag ko sa sarili.
Hanggang ngayon, hinahanap pa rin kita. Kahit alam kong nagsasayang lang ako ng pagod. Dahil wala ka na at hindi na muli pang magpapakita.
na mamahalin ka niya
magpakailanman,
hindi siya nagsisinungaling.
Sapagkat sa sandaling iyon,
iyon ang tanging katotohanan."
Naaalala ko nang iniabot ko sa iyo ang bulaklak na ito. Hindi ko maalala kung ano ang reaksyon mo. Ang alam ko lang ay na pagkakuha mo, bigla kang nawala. Hinanap kita pero hindi na kita makita.
Tumawag ako sa bahay niyo pero sabi ng nakasagot, hindi ka na raw doon nakatira. Pumunta ako sa eskuwelahan mo pero walang nakakarinig sa pangalan mo. Nagbalik ako sa lugar kung saan tayo nagkakilala. At may nakita akong kamukha mo. Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Naglaho siya sa dagsa ng tao bago ko siya malapitan. Baka hindi ikaw ‘yon, pampalubag ko sa sarili.
Hanggang ngayon, hinahanap pa rin kita. Kahit alam kong nagsasayang lang ako ng pagod. Dahil wala ka na at hindi na muli pang magpapakita.
Rosas
May rosas na tumubo
sa puso ko,
pula lahat, ugat
hanggang talulot,
isang dangkal ang tangkay,
tadtad ng tinik.
Kagabi bago matulog,
wala naman akong napansing
kakaiba.
Kaya anong gulat ko
nang may rosas na bumati
sa panis kong laway
at tilaok ng tandang.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas,
nanlalata na ako,
bumabagal pati pulso ng puso ko.
Pakiramdam ko, kinukuha ng rosas
ang lahat ng lakas ko.
O baka naninibago lang ako.
sa puso ko,
pula lahat, ugat
hanggang talulot,
isang dangkal ang tangkay,
tadtad ng tinik.
Kagabi bago matulog,
wala naman akong napansing
kakaiba.
Kaya anong gulat ko
nang may rosas na bumati
sa panis kong laway
at tilaok ng tandang.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas,
nanlalata na ako,
bumabagal pati pulso ng puso ko.
Pakiramdam ko, kinukuha ng rosas
ang lahat ng lakas ko.
O baka naninibago lang ako.
romantiko ako
at nang sinabi kong mahal kita
ang ibig ko talagang sabihi'y gusto ko
di lang ang iyong katawan ang iyong mukha
kundi ang bawat himaymay ng iyong katauhan
at nung sinabi mong mahal mo rin ako
ang pagkakaintindi ko'y payag ka sa isang pag-ibig
na sa inaalay kong lahat
ibibigay mo naman ang iyong lahat
kaya't nung nakita kitang may kaakbay
na lalakeng di mo naman kapatid ni tatay
wala kang karapatang ako'y sisihin
nang binalibag kita sa iyong kaibigan
ang ibig ko talagang sabihi'y gusto ko
di lang ang iyong katawan ang iyong mukha
kundi ang bawat himaymay ng iyong katauhan
at nung sinabi mong mahal mo rin ako
ang pagkakaintindi ko'y payag ka sa isang pag-ibig
na sa inaalay kong lahat
ibibigay mo naman ang iyong lahat
kaya't nung nakita kitang may kaakbay
na lalakeng di mo naman kapatid ni tatay
wala kang karapatang ako'y sisihin
nang binalibag kita sa iyong kaibigan
Puso
Pusong masangsang
nagpapabahing
sa busilak
kong ilong.
Manas na mansanas,
isinusuka ng mata.
Pulang balat ng kaluluwa,
hindi mabura-bura.
Bawat pintig,
palang naghuhukay.
“Wala na ‘kong dibdib!
Tantanan mo na ‘ko!”
Bangag akong nakatihaya
sa silid na walang hangin.
Nakangisi ang basang puso.
nagpapabahing
sa busilak
kong ilong.
Manas na mansanas,
isinusuka ng mata.
Pulang balat ng kaluluwa,
hindi mabura-bura.
Bawat pintig,
palang naghuhukay.
“Wala na ‘kong dibdib!
Tantanan mo na ‘ko!”
Bangag akong nakatihaya
sa silid na walang hangin.
Nakangisi ang basang puso.
Pinipili Nga Ba Ang Iibigin
Pinipili nga ba ang iibigin,
tulad ng talang tanging tinitigan buong gabi
dahil pinakamalapit sa nakahigang mata,
gaya ng di-kilalang dahong dinampot sa daan
dahil punit at naninilaw, may natutulog
na sapot at gagamba sa dibdib?
Pinili ba nating magkakilala?
Sino nga ba'ng nagtanim
ng matipunong puno sa damuhang ‘yon?
Nakinita niya kaya
ang masidhing yakapan ng lupa at ugat bawat saglit,
ambon man ng araw o ihip ng buwan?
Ayaw bitawan ng magkasintahang ‘yon
ang kamay ng isa't isa.
Iisa na ba ang pawis at dugong dumadaloy
sa magkadikit nilang palad at daliri,
ugat na walang atubiling nag-ugnay
nang maamoy ang karugtong?
Nais kumawala ng pintig ng puso ko't
puntahan ka sa kuwarto mo,
kahit madaling-araw,
mag-isa,
kakatukin ang pinto
ng himbing mong pag-ibig,
titibok nang titibok
tulad ng talang tanging tinitigan isang gabi,
hindi huhumpay hanggang hindi naghuhugpong
ang pintig ng puso natin,
umaawit ng iisang kundiman,
Naririyan na ako.
tulad ng talang tanging tinitigan buong gabi
dahil pinakamalapit sa nakahigang mata,
gaya ng di-kilalang dahong dinampot sa daan
dahil punit at naninilaw, may natutulog
na sapot at gagamba sa dibdib?
Pinili ba nating magkakilala?
Sino nga ba'ng nagtanim
ng matipunong puno sa damuhang ‘yon?
Nakinita niya kaya
ang masidhing yakapan ng lupa at ugat bawat saglit,
ambon man ng araw o ihip ng buwan?
Ayaw bitawan ng magkasintahang ‘yon
ang kamay ng isa't isa.
Iisa na ba ang pawis at dugong dumadaloy
sa magkadikit nilang palad at daliri,
ugat na walang atubiling nag-ugnay
nang maamoy ang karugtong?
Nais kumawala ng pintig ng puso ko't
puntahan ka sa kuwarto mo,
kahit madaling-araw,
mag-isa,
kakatukin ang pinto
ng himbing mong pag-ibig,
titibok nang titibok
tulad ng talang tanging tinitigan isang gabi,
hindi huhumpay hanggang hindi naghuhugpong
ang pintig ng puso natin,
umaawit ng iisang kundiman,
Naririyan na ako.
Pauwi
Nag-iisa akong muli,
gaya sa simula,
ngunit bakit ako
nalulungkot?
Nahatid ko na’ng lahat
ng aking kasama
sa kani-kanilang
tahanan,
at parang kay haba
ng paglakbay
pauwi.
Hawak ang manibela,
nakaapak sa gasolina,
nakatingin sa malayo,
iniisip kita,
wala nang iba.
gaya sa simula,
ngunit bakit ako
nalulungkot?
Nahatid ko na’ng lahat
ng aking kasama
sa kani-kanilang
tahanan,
at parang kay haba
ng paglakbay
pauwi.
Hawak ang manibela,
nakaapak sa gasolina,
nakatingin sa malayo,
iniisip kita,
wala nang iba.
Palos
Pag-ibig ay palos
na di mahuli-huli
Mahawakan man
makakawala
Nag-iiwan lang
ng hiwa
sa palad
Hindi pa nawawala
ang mga guhit ng kaliskis
Meron nang bago
mas malalim
mas mahapdi
na di mahuli-huli
Mahawakan man
makakawala
Nag-iiwan lang
ng hiwa
sa palad
Hindi pa nawawala
ang mga guhit ng kaliskis
Meron nang bago
mas malalim
mas mahapdi
Para Sa Isang Tala
Ngumingiti ka na naman
sa loob ng mata niyang
nakatitig
sa naliligaw na mga ulap
Tila
hindi kailanman lumisan
Naririnig ko pa rin
ang tawa mong nagpapaalala
ng bangkang nagpapalipas
ng oras sa ilog
Gumigitaw
ang rikit mong
walang kapara
Animo'y muling napasok
nasakop
ang nandidilim kong dibdib.
sa loob ng mata niyang
nakatitig
sa naliligaw na mga ulap
Tila
hindi kailanman lumisan
Naririnig ko pa rin
ang tawa mong nagpapaalala
ng bangkang nagpapalipas
ng oras sa ilog
Gumigitaw
ang rikit mong
walang kapara
Animo'y muling napasok
nasakop
ang nandidilim kong dibdib.
Pamamaalam
Paalam.
Ayan, nasabi ko na. Iyun nga lang, sa utak ko, sa hangin, sa upuan, sa sahig, sa dingding, sa kompyuter. Hindi sa iyo.
Hindi naman kasi ito kasindali ng
Pagtapon ng bata sa bangin
Paghiwa sa tiyan ng buntis na isda
Pagpigil ng hininga sa ilalim ng maruming tubig.
Hindi ito katulad ng pagbigkas ng Mahal Kita.
Ayan, nasabi ko na. Iyun nga lang, sa utak ko, sa hangin, sa upuan, sa sahig, sa dingding, sa kompyuter. Hindi sa iyo.
Hindi naman kasi ito kasindali ng
Pagtapon ng bata sa bangin
Paghiwa sa tiyan ng buntis na isda
Pagpigil ng hininga sa ilalim ng maruming tubig.
Hindi ito katulad ng pagbigkas ng Mahal Kita.
Pakikipagkilala Sa Daan
Sa sahig ng gabing madilim na bughaw,
baha ng talampakan, sakong, at kukong
natatakpan ng pekeng balat ng hayop.
Nilapitan ko ang buhok
mong nagtatagpo ang dalawang buntot
sa isang kalsadang para sa hapo.
At inaya mo ako sa pintong
bumubukas sa iyong bulong.
Lumulutang ang paa natin
sa ibabaw ng nana, pasa, at pigsa
ng bumubulang aspalto.
Sakay ng karwahe ng hangin,
kaya nating magpunta kahit saan.
Pagkadaiti ng labi mo sa pulang pinto,
at may lumabas ditong liwanag,
bigla akong tumakbo palayo:
Hindi ko alam kung bakit,
ngunit alipin lamang ako ng aking paa,
puputulin nila ang kanilang sarili
kapag nagtampo sa walang
kahihinatnan kong pagtanggi.
baha ng talampakan, sakong, at kukong
natatakpan ng pekeng balat ng hayop.
Nilapitan ko ang buhok
mong nagtatagpo ang dalawang buntot
sa isang kalsadang para sa hapo.
At inaya mo ako sa pintong
bumubukas sa iyong bulong.
Lumulutang ang paa natin
sa ibabaw ng nana, pasa, at pigsa
ng bumubulang aspalto.
Sakay ng karwahe ng hangin,
kaya nating magpunta kahit saan.
Pagkadaiti ng labi mo sa pulang pinto,
at may lumabas ditong liwanag,
bigla akong tumakbo palayo:
Hindi ko alam kung bakit,
ngunit alipin lamang ako ng aking paa,
puputulin nila ang kanilang sarili
kapag nagtampo sa walang
kahihinatnan kong pagtanggi.
Pagwawalis
Paano nga ba kita wawalisin
sa alaalang sumisingaw ng paalam mo?
Hindi ba matutunaw lamang ang buhok
ng walis-tambong mula pa sa Baguio?
Umaambon sa labas kahit may araw.
Bawat patak sa bintana ay nag-uusisa
mong titig sa tulalang paslit na nahuling
magpapalis sana ng nakaraan.
Biglang nabasag ang paso
ng hasmin nang walang dahilan.
Hindi ko alam, hindi ako
ang may kasalanan.
Wala na ang ambon ngunit naiwan
ang kulog at kidlat na walang-tigil
na humihiyaw, naglalaslas, Hindi sabi
ako ang may kasalanan.
sa alaalang sumisingaw ng paalam mo?
Hindi ba matutunaw lamang ang buhok
ng walis-tambong mula pa sa Baguio?
Umaambon sa labas kahit may araw.
Bawat patak sa bintana ay nag-uusisa
mong titig sa tulalang paslit na nahuling
magpapalis sana ng nakaraan.
Biglang nabasag ang paso
ng hasmin nang walang dahilan.
Hindi ko alam, hindi ako
ang may kasalanan.
Wala na ang ambon ngunit naiwan
ang kulog at kidlat na walang-tigil
na humihiyaw, naglalaslas, Hindi sabi
ako ang may kasalanan.
pagtulog
isip niya, dagat
marahan ang alon
madaling mahimbing
(hindi mahalaga na takot ako sa dagat
lahat ng takot nakakalimutan)
para kang lumalangoy
para kang nakahiga
tapos biglang nawala
ang kama, ang dagat sa isip mo
at pumalahaw ka
gaya ng lahat ng nalulunod
sa sarili mong wika,
"ibalik mo ang dagat ko!"
"ang hangin!"
"ang pag-ibig ko!"
pero huli na
gaya ng lahat ng trahedya
dahil nahulog ka na
sa matigas na sahig
walang malay
walang buhay
hindi maibabalik ng sanlibong dagat
ang nakaraan
marahan ang alon
madaling mahimbing
(hindi mahalaga na takot ako sa dagat
lahat ng takot nakakalimutan)
para kang lumalangoy
para kang nakahiga
tapos biglang nawala
ang kama, ang dagat sa isip mo
at pumalahaw ka
gaya ng lahat ng nalulunod
sa sarili mong wika,
"ibalik mo ang dagat ko!"
"ang hangin!"
"ang pag-ibig ko!"
pero huli na
gaya ng lahat ng trahedya
dahil nahulog ka na
sa matigas na sahig
walang malay
walang buhay
hindi maibabalik ng sanlibong dagat
ang nakaraan
Pagtawid
Madilim.
Ngayong gabi,
pati buwan
nagkukubli.
Malamig.
Basa ang lansangan;
kadaraan lang ng ulan.
Nagmamanman pa rin ang hangin.
Walang tao sa kalsada
kundi ako.
Samahan mo ako.
Lumabas ka ng pinto.
Iwan mo ang kuwarto mo.
Ngayon ang panahon
para tumawid.
Kailangan ko
ang init ng iyong kamay.
Ngayong gabi,
pati buwan
nagkukubli.
Malamig.
Basa ang lansangan;
kadaraan lang ng ulan.
Nagmamanman pa rin ang hangin.
Walang tao sa kalsada
kundi ako.
Samahan mo ako.
Lumabas ka ng pinto.
Iwan mo ang kuwarto mo.
Ngayon ang panahon
para tumawid.
Kailangan ko
ang init ng iyong kamay.
Pag-ibig
Nawawala ang salitang pag-ibig.
Nasaan? tanong ko sa iyo.
At bigla kang tumakbo.
Hinabol kita.
May nadaanan tayong pusong kasintaas ng tao, tumitibok kahit nag-iisa, pulang-pula, tumutulo ng dugo.
Hindi kita maabutan.
Nadudurog ang mga batong naapakan natin, napipisa ang kanilang mukha.
Lumiko ka sa isang kanto ng gusali.
Kumaskas ang balat mo sa kanto, napunitan ka, retaso sa matalim, magaspang na semento.
Pagkakuha ng balat mo, nakita kita, nakaupo sa bangko.
At tinanong kita sa huling pagkakataon, Mahal mo ba ako?
Oo. Pero ako, mahal mo ba ako?
Nasaan? tanong ko sa iyo.
At bigla kang tumakbo.
Hinabol kita.
May nadaanan tayong pusong kasintaas ng tao, tumitibok kahit nag-iisa, pulang-pula, tumutulo ng dugo.
Hindi kita maabutan.
Nadudurog ang mga batong naapakan natin, napipisa ang kanilang mukha.
Lumiko ka sa isang kanto ng gusali.
Kumaskas ang balat mo sa kanto, napunitan ka, retaso sa matalim, magaspang na semento.
Pagkakuha ng balat mo, nakita kita, nakaupo sa bangko.
At tinanong kita sa huling pagkakataon, Mahal mo ba ako?
Oo. Pero ako, mahal mo ba ako?
Paghawak Ng Bituin
Nasa gitna ka ng bukas kong kamay
Umaabot na mga daliri
Nagbabaga
Tumutunaw
Nangunguluntoy ang mga guhit ng palad ko
Natutunaw
Tumatagas
Butas na ang palad ko
Nakikita ko na ang lupa sa butas
Ngunit naririyan ka pa rin
Kasing-init ng tuyong yelo
Winawasak ang kamay ko
Nais tumakas ng mga daliri
Tumakbo
Tumakbo
Tumutulo ang kuko ko sa sahig
Umaabot na mga daliri
Nagbabaga
Tumutunaw
Nangunguluntoy ang mga guhit ng palad ko
Natutunaw
Tumatagas
Butas na ang palad ko
Nakikita ko na ang lupa sa butas
Ngunit naririyan ka pa rin
Kasing-init ng tuyong yelo
Winawasak ang kamay ko
Nais tumakas ng mga daliri
Tumakbo
Tumakbo
Tumutulo ang kuko ko sa sahig
Pag Nakikita Kita
Pag nakikita kita,
gusto kitang dakmain,
kunin mula sa lupang nakasanayan mo nang galawan,
buhatin sa likod ko,
at dalhin sa pinakamataas na ulap.
Bubuksan ko
ang pinto sa sahig
para i
h
u
l
o
g
ka.
Nang maramdaman mo naman ang pagbulusok,
pakiramdam mo, pinupunit ang kaluluwa mo
sa katawan mo,
tapos, mauunawaan mo na ako.
gusto kitang dakmain,
kunin mula sa lupang nakasanayan mo nang galawan,
buhatin sa likod ko,
at dalhin sa pinakamataas na ulap.
Bubuksan ko
ang pinto sa sahig
para i
h
u
l
o
g
ka.
Nang maramdaman mo naman ang pagbulusok,
pakiramdam mo, pinupunit ang kaluluwa mo
sa katawan mo,
tapos, mauunawaan mo na ako.
Paalam Aking Bulalakaw
Paalam aking bulalakaw,
nag-iisa sa mabituing kagabi,
pagkat kailangan ko nang dumilat
sa tawag ng umagang araw,
kailangan mang pagmasdan
ng pupungas-pungas ko pang mata
ang iyong paglisan patungo sa iba,
tiyak mang isang araw
ay mabubulag ako sa gabi-gabing pagtitig
sa langit na mabituin
at hindi na mabituin,
may kasamang barkada
at nag-iisa,
pilit naghahanap ng isang bagay nang nakalipas,
hindi maibabalik ng walang-silbi kong kamay.
nag-iisa sa mabituing kagabi,
pagkat kailangan ko nang dumilat
sa tawag ng umagang araw,
kailangan mang pagmasdan
ng pupungas-pungas ko pang mata
ang iyong paglisan patungo sa iba,
tiyak mang isang araw
ay mabubulag ako sa gabi-gabing pagtitig
sa langit na mabituin
at hindi na mabituin,
may kasamang barkada
at nag-iisa,
pilit naghahanap ng isang bagay nang nakalipas,
hindi maibabalik ng walang-silbi kong kamay.
99-69-00
Parang sirang telepono ang babae.
(In the sense na sa pagtawag mo, let’s say sa chik mo, e di dinayal mo na ‘yung number n’yang dehins posible nang mabura sa kaluluwa mo, unless magka-amnesia ka’t mawalang tuluyan ng problema; tapos, no reaction ngayon ‘yung phone: ayaw mag-ring, wala rin sa mood kang bastedin, at ikaw naman ‘tong alagad ni san lorenzo, wait pa rin nang wait hanggang sa masiraan ka na rin ng bait.)
Ang ibig ko lang sabihin, sira rin siya.
(In the sense na sa pagtawag mo, let’s say sa chik mo, e di dinayal mo na ‘yung number n’yang dehins posible nang mabura sa kaluluwa mo, unless magka-amnesia ka’t mawalang tuluyan ng problema; tapos, no reaction ngayon ‘yung phone: ayaw mag-ring, wala rin sa mood kang bastedin, at ikaw naman ‘tong alagad ni san lorenzo, wait pa rin nang wait hanggang sa masiraan ka na rin ng bait.)
Ang ibig ko lang sabihin, sira rin siya.
Nilalangoy Binabagtas Nililipad
Nilalangoy ng kamay ko
ang dagat ng palad mong
bukas, sarado:
Nakatikom tulad ng nangungusap mong labi,
malaya tulad ng hamog na nagliliwanag sa dahon.
Binabagtas ko ang bawat guhit sa mayaman mong lupain.
Nararamdaman ko ang pagpasok
ng mga buhangin sa paghinga ko.
Mga buhanging masinsing nagkukubli
sa mga kuko mo.
Naaalala ko ang gabi sa mga kuko mo.
Gabing itim ang lahat maliban sa buwang
dumuduyan sa mga bituin.
Gabing walang kulay ngunit makirot,
kasinsakit ng mga kukong
pinunit ng malakas na hangin.
At sa huli, nililipad kita.
Sasakyan ko ang mga daliri mong
walang tigil na humahaplos
sa nangungulila kong balat,
gutom sa init mo.
At inuusal ko
Huwag kang titigil
Huwag kang titigil
Kahit malapit nang magwalay
ang mga kamay natin.
ang dagat ng palad mong
bukas, sarado:
Nakatikom tulad ng nangungusap mong labi,
malaya tulad ng hamog na nagliliwanag sa dahon.
Binabagtas ko ang bawat guhit sa mayaman mong lupain.
Nararamdaman ko ang pagpasok
ng mga buhangin sa paghinga ko.
Mga buhanging masinsing nagkukubli
sa mga kuko mo.
Naaalala ko ang gabi sa mga kuko mo.
Gabing itim ang lahat maliban sa buwang
dumuduyan sa mga bituin.
Gabing walang kulay ngunit makirot,
kasinsakit ng mga kukong
pinunit ng malakas na hangin.
At sa huli, nililipad kita.
Sasakyan ko ang mga daliri mong
walang tigil na humahaplos
sa nangungulila kong balat,
gutom sa init mo.
At inuusal ko
Huwag kang titigil
Huwag kang titigil
Kahit malapit nang magwalay
ang mga kamay natin.
Nilalakad Ko Ang Lupa
Nilalakad ko ang lupang ito
para ibigin ka,
humihingang kasaliw ng hangin
para langhapin ang halimuyak
ng buhok mo, balat mo.
Pinagmamasdan ko ang ulap ng umaga
para ihambing sa rosas mong labi,
tinititigan ang talang pinaliliwanag ang dilim
para ikumpara sa mata mo,
pares na walang kaparis,
bukod-tangi sa buong gabi.
Nais kong maranasan ang palad mo
sa kaibuturan nito,
malula sa hiwaga ng mga lihim na ugat.
Nais kitang makapiling
hanggang madaling-araw,
hanggang batiin ng hamog ng halik ang bintana.
Nabubuhay ako para ibigin ka,
habang umaawit ang ulan,
habang nakakapawis ang yakap ng araw,
habang nagmamatyag ang buwan
sa bawat nating kilos
at pumipikit pagdaan ng ulap.
para ibigin ka,
humihingang kasaliw ng hangin
para langhapin ang halimuyak
ng buhok mo, balat mo.
Pinagmamasdan ko ang ulap ng umaga
para ihambing sa rosas mong labi,
tinititigan ang talang pinaliliwanag ang dilim
para ikumpara sa mata mo,
pares na walang kaparis,
bukod-tangi sa buong gabi.
Nais kong maranasan ang palad mo
sa kaibuturan nito,
malula sa hiwaga ng mga lihim na ugat.
Nais kitang makapiling
hanggang madaling-araw,
hanggang batiin ng hamog ng halik ang bintana.
Nabubuhay ako para ibigin ka,
habang umaawit ang ulan,
habang nakakapawis ang yakap ng araw,
habang nagmamatyag ang buwan
sa bawat nating kilos
at pumipikit pagdaan ng ulap.
Naliligaw Ako
Naliligaw ako
kung ano’ng dapat kong maramdaman.
O dapat ba akong manhid?
Nakalampas na ako ng pader
nang isinigaw mong DEAD END,
nakaipit ako ngayon sa loob ng makapal na pader,
hindi man lang mausal ang pangalan mo.
Maaari lang mangyari ang mga bagay na ating minithi.
At minithi mo siya, hindi ako.
Miss kita. Akala ko,
ikaw na ang huling babae sa buhay ko.
Mahal kita. Hindi,
magkaibigan lang tayo.
Tapos na ba?
Hindi ko pa rin alam kung nasaan ka.
TAPOS NA BA?
Que sera sera.
Paalam paruparo.
Paalam anghel.
Hindi mo maaring mawala
ang di kailanman naging sa iyo.
kung ano’ng dapat kong maramdaman.
O dapat ba akong manhid?
Nakalampas na ako ng pader
nang isinigaw mong DEAD END,
nakaipit ako ngayon sa loob ng makapal na pader,
hindi man lang mausal ang pangalan mo.
Maaari lang mangyari ang mga bagay na ating minithi.
At minithi mo siya, hindi ako.
Miss kita. Akala ko,
ikaw na ang huling babae sa buhay ko.
Mahal kita. Hindi,
magkaibigan lang tayo.
Tapos na ba?
Hindi ko pa rin alam kung nasaan ka.
TAPOS NA BA?
Que sera sera.
Paalam paruparo.
Paalam anghel.
Hindi mo maaring mawala
ang di kailanman naging sa iyo.
nais
nais kitang igawa ng tula
habang gising ka pa
at ako sa aking kamalayan
habang naaalala ko pa ang
ganitong pagnanasa
habang ikaw lang
at ikaw ang nagpapamaga ng aking puso
isang tulang makapagpapatulala
makakabighani mag-aala-kupido sa akin
at sa iyo
di ko alam kung alam mo
na sa bawat mong pag-iwas pamamaalam paglisan
nanlulumo ako nanlalata
para bang wala na 'kong nagawang tama
ngunit
hindi ako
nagpapaawa (sa lahat ng ayoko'y
'yung kinahahabagan) nais ko lang naman talagang
gumawa ng tula para man lang mabawasan
ang lungkot ng aking puso.
habang gising ka pa
at ako sa aking kamalayan
habang naaalala ko pa ang
ganitong pagnanasa
habang ikaw lang
at ikaw ang nagpapamaga ng aking puso
isang tulang makapagpapatulala
makakabighani mag-aala-kupido sa akin
at sa iyo
di ko alam kung alam mo
na sa bawat mong pag-iwas pamamaalam paglisan
nanlulumo ako nanlalata
para bang wala na 'kong nagawang tama
ngunit
hindi ako
nagpapaawa (sa lahat ng ayoko'y
'yung kinahahabagan) nais ko lang naman talagang
gumawa ng tula para man lang mabawasan
ang lungkot ng aking puso.
Naglalakad Ang Lamig
Naglalakad ang lamig
at samyo ng simoy ng Sagada
sa sulok ng bawat talulot
ng mokon,
Mailap
sa aming mata,
Sa ilalim ng balat
ng natutulog na armadilyo,
sa ilalim ng mga mata
ng nanaginip na pinya.
Nakatutuksong tuklapin,
pitasin ang bawat kayumangging dahon
upang ika’y maangkin.
Ngunit napakahuna mo.
Napakahuna.
at samyo ng simoy ng Sagada
sa sulok ng bawat talulot
ng mokon,
Mailap
sa aming mata,
Sa ilalim ng balat
ng natutulog na armadilyo,
sa ilalim ng mga mata
ng nanaginip na pinya.
Nakatutuksong tuklapin,
pitasin ang bawat kayumangging dahon
upang ika’y maangkin.
Ngunit napakahuna mo.
Napakahuna.
Naghihintay Sa Tawag Mo
Sa loob ng bungo ko,
nag-uumpugan ang iba't ibang tunog:
Mga biyolin, lata, plawta, ungol.
Mula sa labas,
mula sa isang saradong silid sa malayo,
tumatagos ang kiriring ng telepono.
nag-uumpugan ang iba't ibang tunog:
Mga biyolin, lata, plawta, ungol.
Mula sa labas,
mula sa isang saradong silid sa malayo,
tumatagos ang kiriring ng telepono.
Naghihintay
Nakakrus ang mga daliri ko
sa paa:
Hinihintay kita.
Kay tagal mong dumating.
Sumisibat papataas
ang tubig-kanal, bumabalik
sa ulap, dating ulan.
Hinahalikan ng bangaw
ang utong ko, pilit
sumisipsip ng gatas.
sa paa:
Hinihintay kita.
Kay tagal mong dumating.
Sumisibat papataas
ang tubig-kanal, bumabalik
sa ulap, dating ulan.
Hinahalikan ng bangaw
ang utong ko, pilit
sumisipsip ng gatas.
Muli, Magwawalay
Nang ibinaba ko ang telepono, pilit pasukin ng boses mo ang tenga ko, ngunit nakababa na ang telepono. Hindi ka na tumawag uli. Patay ka na ba? O nag-iisa lamang akong bagong bangkay ngayong madaling-araw? Paumanhin sa pagtatanong, bulag ako at bingi, may bulak ang ilong. Magkikita pa kaya tayong muli: sa interseksiyon ng Kamias at Anonas, kapag may asawa’t anak ka na at balo naman ako? Mamahalin pa rin kaya natin ang hilik at halik ng bawat isa? Masyado kong pinatatagal ang kaluluwa ko sa lupa.
Muli
Muli, naghihintay ako.
Muli, hindi ka darating.
Nilulunod ng kapulahan ng gabi
ang tuyong lupa ng dibdib ko.
Muli, hindi ka darating.
Nilulunod ng kapulahan ng gabi
ang tuyong lupa ng dibdib ko.
Mula Sa Troubadour Ng Puting Rosas
Habang hinahalo ng gabi
ang kulay ng di-maubus-ubos na sasakyan,
nakahinto tayo.
Nakaapak ka sa sahig ng kotse mo,
ako sa semento.
Ang ganda talaga ng mata mo.
Ilang ilaw na kaya ang nalunod sa dagat nito?
Sinagip naman ng maaalahanin mong pilikmata.
Heto nga pala ang puting rosas,
kakambal
ng damit mong matagal na naglunoy
sa nakalugay na buhok
ng panaginip.
Puting rosas at liham.
Babasahin ko.
"Puting rosas
Talulot ang labing nais kong hagkan
Dahon ang buhok na nais kong hagurin
Tangkay ang katawang nais kong mayakap
Tinik ang tumatarak sa balat ko
"Puting rosas na itinanim
sa pupulsuhan ko
Hinugot
para maiabot sa bintana mo"
Pagkatapos,
yuyuko ako,
magpapasalamat,
tatahan sa paraiso
ng nakapikit kong mata
habang unti-unti kang magbabalik
sa pinagmulang mabilis
na tanawin.
ang kulay ng di-maubus-ubos na sasakyan,
nakahinto tayo.
Nakaapak ka sa sahig ng kotse mo,
ako sa semento.
Ang ganda talaga ng mata mo.
Ilang ilaw na kaya ang nalunod sa dagat nito?
Sinagip naman ng maaalahanin mong pilikmata.
Heto nga pala ang puting rosas,
kakambal
ng damit mong matagal na naglunoy
sa nakalugay na buhok
ng panaginip.
Puting rosas at liham.
Babasahin ko.
"Puting rosas
Talulot ang labing nais kong hagkan
Dahon ang buhok na nais kong hagurin
Tangkay ang katawang nais kong mayakap
Tinik ang tumatarak sa balat ko
"Puting rosas na itinanim
sa pupulsuhan ko
Hinugot
para maiabot sa bintana mo"
Pagkatapos,
yuyuko ako,
magpapasalamat,
tatahan sa paraiso
ng nakapikit kong mata
habang unti-unti kang magbabalik
sa pinagmulang mabilis
na tanawin.
May Isang Bulaklak
Walang imik
ang pagdaan ng dantaon.
Malaki ang posibilidad
na hindi mamalayan.
May isang bulaklak
na dilaw ang talulot
tulad ng araw,
may bukong bumubukas-
sara tulad ng mata,
mga dahong makahiya,
tangkay na daliri
ng mahusay na biyolinista,
tinik ng rosas,
ugat na nananahan
sa tubig.
Iniibig kita.
Hindi ko man kilala
ang dugong dumadaloy
sa iyo,
hindi ko man kayang
magtago ng tubig
sa palad,
patuloy akong daraan,
pagmamasdan ka
ng buo kong katawan,
sa bawat saglit,
tinitiyak
na mabuti ang kalagayan mo.
Nagpapalit na naman
ang ulap.
Nagbabago
ang itsura mo.
Hindi ako dapat malungkot
sa pagkabigo,
malamig
ang pagbati
ng gabi.
ang pagdaan ng dantaon.
Malaki ang posibilidad
na hindi mamalayan.
May isang bulaklak
na dilaw ang talulot
tulad ng araw,
may bukong bumubukas-
sara tulad ng mata,
mga dahong makahiya,
tangkay na daliri
ng mahusay na biyolinista,
tinik ng rosas,
ugat na nananahan
sa tubig.
Iniibig kita.
Hindi ko man kilala
ang dugong dumadaloy
sa iyo,
hindi ko man kayang
magtago ng tubig
sa palad,
patuloy akong daraan,
pagmamasdan ka
ng buo kong katawan,
sa bawat saglit,
tinitiyak
na mabuti ang kalagayan mo.
Nagpapalit na naman
ang ulap.
Nagbabago
ang itsura mo.
Hindi ako dapat malungkot
sa pagkabigo,
malamig
ang pagbati
ng gabi.
Maselang Masel
Di kita kaya, Sintang
Puspos ng parikala.
'Hanap na lang ng iba,
Kundi'y pihong dismaya.
Puspos ng parikala.
'Hanap na lang ng iba,
Kundi'y pihong dismaya.
Magbabasa sana ng tula habang tumutugtog ang "Vocalise" ni Rachmaninoff
...I'm.hanging.up."(KLIK)..............................................................................................................
...........................................................................................................................................................
...........................................................................................................................................................
...........................................................................................................................................................
...........................................................................................................................................................
...........................................................................................................................................................
...........................................................................................................................................................
Masahe
Nagiging pagaspas ng kalapating dilaw
ang tanim na talim sa noo
ng humahagod mong haplos
sa dibdib kong biniyak
ng walang patawad na hangin.
Anong ungguwento bang
tila mula sa pusod ng talon
ang nasa sampagita mong palad?
Parang nilulundagan
ng mga duwendeng mula sa puno
ng kakwate ang mababaw na balong
pumalit sa puso ko.
ang tanim na talim sa noo
ng humahagod mong haplos
sa dibdib kong biniyak
ng walang patawad na hangin.
Anong ungguwento bang
tila mula sa pusod ng talon
ang nasa sampagita mong palad?
Parang nilulundagan
ng mga duwendeng mula sa puno
ng kakwate ang mababaw na balong
pumalit sa puso ko.
Maaari
Kung tutuusin, maari na akong hindi tumawag ngayon.
Ngunit kausap kita ngayon
Ang alam ko lang, kapag hindi kita nakausap ngayon,
bawat araw ay pagsubok na burahin ka sa aking puso.
At isang araw, hindi ka na umiiral sa loob ng dibdib ko.
Isa na lamang alaala.
Alam man nating maaring maglaho ang damdamin
ay hindi natin hinahayaang maglaho
sa abot ng ating makakaya.
Iyon marahil ang pag-ibig.
Ngunit kausap kita ngayon
Ang alam ko lang, kapag hindi kita nakausap ngayon,
bawat araw ay pagsubok na burahin ka sa aking puso.
At isang araw, hindi ka na umiiral sa loob ng dibdib ko.
Isa na lamang alaala.
Alam man nating maaring maglaho ang damdamin
ay hindi natin hinahayaang maglaho
sa abot ng ating makakaya.
Iyon marahil ang pag-ibig.
Kerubin
May napadayong kerubin
sa bakuran namin isang araw:
Nagtatampisaw sa ibabaw
ng mga damong ligaw.
Kumaway ako sa kanya.
Kumaway din naman siya,
sabay lipad at naglaho
sa likod ng silahis ng araw.
May puting pakpak na iniwan
katabi ng mga dahon sa halamanan.
sa bakuran namin isang araw:
Nagtatampisaw sa ibabaw
ng mga damong ligaw.
Kumaway ako sa kanya.
Kumaway din naman siya,
sabay lipad at naglaho
sa likod ng silahis ng araw.
May puting pakpak na iniwan
katabi ng mga dahon sa halamanan.
Kay Ana
Ngayong gabi,
pagtingala mo sa kalawakan,
hindi mo matatanaw ang bituin mo.
Paano mo man ikurap ang mata,
hindi lilitaw ang bituin sa itaas.
Sa dinami-rami ng gabi,
ngayon ka lang lumabas ng bahay
para magpakita.
Kaya marahil,
nang di ka matanaw,
nagtampo’t
nakipagtanan sa pinakamalapit na araw,
naglaho sa kalawakan.
At tulad niya,
magsasawa ka rin
sa paghahanap ng wala.
pagtingala mo sa kalawakan,
hindi mo matatanaw ang bituin mo.
Paano mo man ikurap ang mata,
hindi lilitaw ang bituin sa itaas.
Sa dinami-rami ng gabi,
ngayon ka lang lumabas ng bahay
para magpakita.
Kaya marahil,
nang di ka matanaw,
nagtampo’t
nakipagtanan sa pinakamalapit na araw,
naglaho sa kalawakan.
At tulad niya,
magsasawa ka rin
sa paghahanap ng wala.
Karayom
Naglalaro ng karayom,
bihasang juggler ng karayom,
hindi pa ako natusok kahit minsan.
(Ni napaso, kapag nagbabaga ang karayom.)
Isang umaga, may nakita akong karayom
sa drower ng lumang sewing machine ni Mommy.
Parang galing sa nabulag na mata ang pagkapilak.
Nang damputin ko ito’y
nagdugo ang daliri ko, ang sakit,
“Mommy! Mommy!”
Walang tigil ang paglabas ng dugo.
Walang makarinig sa sigaw ko.
bihasang juggler ng karayom,
hindi pa ako natusok kahit minsan.
(Ni napaso, kapag nagbabaga ang karayom.)
Isang umaga, may nakita akong karayom
sa drower ng lumang sewing machine ni Mommy.
Parang galing sa nabulag na mata ang pagkapilak.
Nang damputin ko ito’y
nagdugo ang daliri ko, ang sakit,
“Mommy! Mommy!”
Walang tigil ang paglabas ng dugo.
Walang makarinig sa sigaw ko.
Kanina
Hindi kita nakita
pero nakikita kita,
minamaneho
ang abuhin mong kotse
sa lubak at lawak
ng panggabing kalsada.
Hindi kita nakausap
pero naririnig kita,
nananaginip na tinig,
kausap ang kaibigan
sa katahimikan
ng madaling-araw.
Hindi kita nahawakan
ngunit nararamdaman kita,
init at lambot
ng parang unan mong katawang
lumulukot sa kama.
Hindi tayo nagkita
ngunit alam mo
at alam kong
hindi ito magtatagal,
lumilipad ang alipato
patungo sa pasikat na araw.
pero nakikita kita,
minamaneho
ang abuhin mong kotse
sa lubak at lawak
ng panggabing kalsada.
Hindi kita nakausap
pero naririnig kita,
nananaginip na tinig,
kausap ang kaibigan
sa katahimikan
ng madaling-araw.
Hindi kita nahawakan
ngunit nararamdaman kita,
init at lambot
ng parang unan mong katawang
lumulukot sa kama.
Hindi tayo nagkita
ngunit alam mo
at alam kong
hindi ito magtatagal,
lumilipad ang alipato
patungo sa pasikat na araw.
Kamusta
Kamusta?
Ang ingay ng aircon.
Ano kaya ang mangyayari sa atin?
Ano kaya ang ginagawa mo ngayon?
Gusto kong magsulat.
Baka mabawasan ang bigat ng paghihintay.
At ang paghihintay sa wala na bumabali sa likod parang malupit na hangin o tubig na
hindi namamalayan.
Naaalala mo kaya ako?
Gusto mo rin kaya akong tawagan bawat sandaling lumilipas?
Ngunit hindi magawa.
May dahilan.
Maraming dahilan.
Ano kaya ang mangyayari sa atin?
Ngayon.
Bukas.
Kamusta?
Ang ingay ng aircon.
Ano kaya ang mangyayari sa atin?
Ano kaya ang ginagawa mo ngayon?
Gusto kong magsulat.
Baka mabawasan ang bigat ng paghihintay.
At ang paghihintay sa wala na bumabali sa likod parang malupit na hangin o tubig na
hindi namamalayan.
Naaalala mo kaya ako?
Gusto mo rin kaya akong tawagan bawat sandaling lumilipas?
Ngunit hindi magawa.
May dahilan.
Maraming dahilan.
Ano kaya ang mangyayari sa atin?
Ngayon.
Bukas.
Kamusta?
Kailangan
Kailangan na itong matapos.
Ayoko nang masaktan.
Ayoko nang saktan mo ako.
Sawa na akong marinig ang mga kiriring ng tawag mo
at beep ng page mo sa loob ng utak ko.
Sawa na ako.
Ayoko nang maghintay sa wala.
Ang maghintay at mamatay sa paghihintay.
Marami pa akong gustong gawin sa buhay.
Kailangan na kitang malimutan.
Kailangang hindi na ako kayang saktan ng iyong alaala.
Hindi na dapat kita mapanaginipan.
Hindi na dapat kitang alalahanin.
Hindi ikaw ang sentro ng buhay ko.
Kailangan na kitang mapakawalan.
Nang lubusan.
Buong-buo, walang tira.
Walang labi ng iyong labi sa aking gunita.
Paggising ko, dapat nakalimutan na kita.
Ayoko nang hintayin ang mga tawag mong hindi dumarating.
Ayoko nang marinig ang boses mong napakalayo.
Ayoko nang magalusan pa ang puso ko.
Gusto kong lumaya.
Hindi natin pag-aari ang isa’t isa.
Ayoko nang kumatha ng mga eksenang magkasama tayo sa ilalim ng langit.
Kailangan na itong matigil.
Sigurado.
Kahit pagbigkas ng mahal kita, dapat nang matigil.
Anupamang mensahe sa iyo, matigil.
Magkaiba tayo nang mundo.
Magkalayo.
Ayoko nang masaktan.
Ayoko nang saktan mo ako.
Sawa na akong marinig ang mga kiriring ng tawag mo
at beep ng page mo sa loob ng utak ko.
Sawa na ako.
Ayoko nang maghintay sa wala.
Ang maghintay at mamatay sa paghihintay.
Marami pa akong gustong gawin sa buhay.
Kailangan na kitang malimutan.
Kailangang hindi na ako kayang saktan ng iyong alaala.
Hindi na dapat kita mapanaginipan.
Hindi na dapat kitang alalahanin.
Hindi ikaw ang sentro ng buhay ko.
Kailangan na kitang mapakawalan.
Nang lubusan.
Buong-buo, walang tira.
Walang labi ng iyong labi sa aking gunita.
Paggising ko, dapat nakalimutan na kita.
Ayoko nang hintayin ang mga tawag mong hindi dumarating.
Ayoko nang marinig ang boses mong napakalayo.
Ayoko nang magalusan pa ang puso ko.
Gusto kong lumaya.
Hindi natin pag-aari ang isa’t isa.
Ayoko nang kumatha ng mga eksenang magkasama tayo sa ilalim ng langit.
Kailangan na itong matigil.
Sigurado.
Kahit pagbigkas ng mahal kita, dapat nang matigil.
Anupamang mensahe sa iyo, matigil.
Magkaiba tayo nang mundo.
Magkalayo.
Kahit Araw
Kahit araw, hinahanap kita.
Ang tinig mong dumarami pag madaling-araw. Ang tawa mong parang bata. Ang malambot mong palad. Ang buhok mong kakulay ng araw at gabi. Ang mata mong namumula sa luha. Ang matamis mong labi. Ang alon ng iyong pinsgi. Ang ilong mo, ang butas ng ilong mo. Ang balikat mong akma sa aking braso. Ang mainit mong yakap. Ang makilitiin mong katawan. Ang ating animo’y walang-hanggang pagkukunwari at utuan. Ang balahibo mo sa daliri at braso. Ang pagbuhat ko sa iyo dahil takot ka ‘ka mo sa palaka. Ang pagkaligaw natin sa Antipolo. Ang Biyernes at Martes sa Ateneo. Ang pagpapalipas-oras sa tabi ng mga obra ni Abueva. Ang paghawak mo sa naghihintay kong kamay sa Sta. Lucia. Ang pag-iyak mo sa telepono. Lahat ng kakulitan mo at pagpatol sa kakulitan ko. Ang magandang dalagang nakilala ko pagbaba ng escalator. Ang pagsulat ng pangala’t telepono mo sa kaliwa kong braso. Ang suwerteng pagkakatagpo ko sa iyo sa supermarket. Ang gusto-mong-pagtago-sa-ilalim-ng-mesa nang hinarana ka namin ng barkada. Ang gusto-mo-akong-sakalin dahil busog ka na’t hindi makain ang paborito mong ulam at ice cream. Ang bukas mong pantalon. Ang pagbanggit mo kay T. Ang pagseselos mo kina B. at iba pang laging panghuli lang sa iyo. Hindi kita malilimutan. Mahal kita. Ang ating animo’y walang-hanggang paalamanan. Ang lahat ng ibinahagi mong lihim. Ang pagbabahagi mo ng iyong sarili. Ang iyong pakikinig. D’ Original Chop-Chop Lady. Ang pamumroblema mo sa hindi dapat pinoproblema at vice versa. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko. Ayaw kong mawala sa buhay mo. Ang pagkatuwa mo kay Aga. Ang pagseselos ko kay Christian Slater. Ang pagtanggi mo sa paghawak ko sa iyong kamay, sa paghalik ko sa iyong labi. Ang pagpayag mo. Ang hindi mo alam na pagpasok ko ng libro ng tula sa bag mo. Ang pag-aakala mong prank call na may matinis na patak ng tubig ang pag-beep ng low battery ng cordless phone. Miss kita.
Kahit araw, hinahanap kita at hindi kita matagpuan.
At pagdating ng gabi, dahan-dahan akong namamatay, sapagkat hindi kita kapiling, sapagkat dapat kapiling kita ngayon ngunit sinayang ko ang pagkakataon kong iyon. Sinusundot ng daliri ng naghihingalong buwan ang mata kong hindi makatulog.
Ang tinig mong dumarami pag madaling-araw. Ang tawa mong parang bata. Ang malambot mong palad. Ang buhok mong kakulay ng araw at gabi. Ang mata mong namumula sa luha. Ang matamis mong labi. Ang alon ng iyong pinsgi. Ang ilong mo, ang butas ng ilong mo. Ang balikat mong akma sa aking braso. Ang mainit mong yakap. Ang makilitiin mong katawan. Ang ating animo’y walang-hanggang pagkukunwari at utuan. Ang balahibo mo sa daliri at braso. Ang pagbuhat ko sa iyo dahil takot ka ‘ka mo sa palaka. Ang pagkaligaw natin sa Antipolo. Ang Biyernes at Martes sa Ateneo. Ang pagpapalipas-oras sa tabi ng mga obra ni Abueva. Ang paghawak mo sa naghihintay kong kamay sa Sta. Lucia. Ang pag-iyak mo sa telepono. Lahat ng kakulitan mo at pagpatol sa kakulitan ko. Ang magandang dalagang nakilala ko pagbaba ng escalator. Ang pagsulat ng pangala’t telepono mo sa kaliwa kong braso. Ang suwerteng pagkakatagpo ko sa iyo sa supermarket. Ang gusto-mong-pagtago-sa-ilalim-ng-mesa nang hinarana ka namin ng barkada. Ang gusto-mo-akong-sakalin dahil busog ka na’t hindi makain ang paborito mong ulam at ice cream. Ang bukas mong pantalon. Ang pagbanggit mo kay T. Ang pagseselos mo kina B. at iba pang laging panghuli lang sa iyo. Hindi kita malilimutan. Mahal kita. Ang ating animo’y walang-hanggang paalamanan. Ang lahat ng ibinahagi mong lihim. Ang pagbabahagi mo ng iyong sarili. Ang iyong pakikinig. D’ Original Chop-Chop Lady. Ang pamumroblema mo sa hindi dapat pinoproblema at vice versa. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko. Ayaw kong mawala sa buhay mo. Ang pagkatuwa mo kay Aga. Ang pagseselos ko kay Christian Slater. Ang pagtanggi mo sa paghawak ko sa iyong kamay, sa paghalik ko sa iyong labi. Ang pagpayag mo. Ang hindi mo alam na pagpasok ko ng libro ng tula sa bag mo. Ang pag-aakala mong prank call na may matinis na patak ng tubig ang pag-beep ng low battery ng cordless phone. Miss kita.
Kahit araw, hinahanap kita at hindi kita matagpuan.
At pagdating ng gabi, dahan-dahan akong namamatay, sapagkat hindi kita kapiling, sapagkat dapat kapiling kita ngayon ngunit sinayang ko ang pagkakataon kong iyon. Sinusundot ng daliri ng naghihingalong buwan ang mata kong hindi makatulog.
Kahit Ang Rosas
Alam man nating lumilipas
kahit ang rosas,
hinahayaan pa rin natin itong
pasukin
ang katawan natin:
Nakakauhaw na samyo,
mailap na kulay,
matinik
ang tahimik na tangkay.
kahit ang rosas,
hinahayaan pa rin natin itong
pasukin
ang katawan natin:
Nakakauhaw na samyo,
mailap na kulay,
matinik
ang tahimik na tangkay.
Kaba
Nasa gilid ako
ng bangin,
nasa gitna
ng mahabang tulay,
malapit
sa bingit
ng hatinggabi:
Iniisip
kung dapat
ba kitang ibigin.
Saan pa man,
umiikot sa himpapawid
ang mga ibon ng gabi,
hindi ko alam
kung bakit nagpapaalala
ng mukha mong
kasimputla ng buwan.
Inaantok na ako.
Nakikita ko
ang lahat ng ito
sa loob
ng nakapikit kong mata,
at may kabang
gumagapang
sa ilalim
ng makapal kong kumot:
Na sa paggising,
nakalimutan ka na
ng puso ko.
ng bangin,
nasa gitna
ng mahabang tulay,
malapit
sa bingit
ng hatinggabi:
Iniisip
kung dapat
ba kitang ibigin.
Saan pa man,
umiikot sa himpapawid
ang mga ibon ng gabi,
hindi ko alam
kung bakit nagpapaalala
ng mukha mong
kasimputla ng buwan.
Inaantok na ako.
Nakikita ko
ang lahat ng ito
sa loob
ng nakapikit kong mata,
at may kabang
gumagapang
sa ilalim
ng makapal kong kumot:
Na sa paggising,
nakalimutan ka na
ng puso ko.
Iniibig Kita
Daigdig ng diyamante
ang halik
ng mata mo.
Ang labi mo,
hayok na sinisipsip
ang laway ko't
hininga.
Pinakamahabang ilog
ng gatas,
sinturon ng uniberso,
ang kinis at lambot
ng ulap mong kutis.
Makamandag na ahas
ang hibla ng buhok,
tinutuklaw
ang pagnanasa ko.
Burol ng batis
ang suso mong minamanhid
ang bawat ugat
ng palad ko,
pagkatapos kilitiin.
Walang-hanggang kalawakan
ang puke mong
puno ng kuryente,
binabantayan ng talon
ng dahon.
Iniibig kita,
katawan ng babae.
ang halik
ng mata mo.
Ang labi mo,
hayok na sinisipsip
ang laway ko't
hininga.
Pinakamahabang ilog
ng gatas,
sinturon ng uniberso,
ang kinis at lambot
ng ulap mong kutis.
Makamandag na ahas
ang hibla ng buhok,
tinutuklaw
ang pagnanasa ko.
Burol ng batis
ang suso mong minamanhid
ang bawat ugat
ng palad ko,
pagkatapos kilitiin.
Walang-hanggang kalawakan
ang puke mong
puno ng kuryente,
binabantayan ng talon
ng dahon.
Iniibig kita,
katawan ng babae.
infatuation
kumuha ako ng labaha
(siyempre ‘yung matalim),
at hiniwa ko ang balat-buto
sa gitna ng dibdib ko.
tapos, kinuha ko
ang kaisa-isa kong puso.
ikaw na nasa harapan ko’t
gulat na gulat sa mga pangyayari,
sa iyo ko ibinigay:
ang puso sa lupa kong palad
sa pabukas na langit mong kamay.
(but as usual, hindi na naman
tayo nagkaintindihan.)
at nalaglag ang kaisa-isa
kong puso sa lupa.
dito na siguro ito mananatili
hanggang sa may maligaw na buwitre.
(siyempre ‘yung matalim),
at hiniwa ko ang balat-buto
sa gitna ng dibdib ko.
tapos, kinuha ko
ang kaisa-isa kong puso.
ikaw na nasa harapan ko’t
gulat na gulat sa mga pangyayari,
sa iyo ko ibinigay:
ang puso sa lupa kong palad
sa pabukas na langit mong kamay.
(but as usual, hindi na naman
tayo nagkaintindihan.)
at nalaglag ang kaisa-isa
kong puso sa lupa.
dito na siguro ito mananatili
hanggang sa may maligaw na buwitre.
Ikaw na may makina
Ikaw na may makina
sa loob ng kanang dibdib
na nagpapagaan sa karaniwang
bigat ng salita
hanggang sa humahampas na
ang mga kahulugan sa mukha’y
hindi mo pa rin napapansin.
Tapos, naglalamyerda ka
sa lansangan ng araw-araw,
sumasagap at nagbibitaw
ng matatalim at mapupurol
na salitang may kani-kanyang bigat.
Sa gabi, tumatangis
animo’y iniwan ng nag-iisang kabiyak,
nalulunod sa sariling luha
habang maingay na umaandar
ang makina sa loob mo,
bumubura ng ibang pananagutan.
sa loob ng kanang dibdib
na nagpapagaan sa karaniwang
bigat ng salita
hanggang sa humahampas na
ang mga kahulugan sa mukha’y
hindi mo pa rin napapansin.
Tapos, naglalamyerda ka
sa lansangan ng araw-araw,
sumasagap at nagbibitaw
ng matatalim at mapupurol
na salitang may kani-kanyang bigat.
Sa gabi, tumatangis
animo’y iniwan ng nag-iisang kabiyak,
nalulunod sa sariling luha
habang maingay na umaandar
ang makina sa loob mo,
bumubura ng ibang pananagutan.
Ikaw ang gabi
Ikaw ang gabing
hindi matagpuan
sa matalim na liwanag
ng araw at buwan.
Ikaw ang gabing
kapiling
ngunit wala
sa aking piling.
Ikaw ang gabing
pumaslang
sa aking pandama.
Ikaw ang gabing
kasindilim
ng kirot.
Ikaw ang gabing
nagpapaiyak
sa gunitang
walang laman.
Ikaw ang gabing
hindi akin,
hindi maangkin.
hindi matagpuan
sa matalim na liwanag
ng araw at buwan.
Ikaw ang gabing
kapiling
ngunit wala
sa aking piling.
Ikaw ang gabing
pumaslang
sa aking pandama.
Ikaw ang gabing
kasindilim
ng kirot.
Ikaw ang gabing
nagpapaiyak
sa gunitang
walang laman.
Ikaw ang gabing
hindi akin,
hindi maangkin.
Huling Pag-uusap
Tinanong kita kung ano'ng kailangan kong gawin
para pagkatiwalaan.
Umalis, tugon mo.
At umalis ako.
Sumakay sa bangkang
nilumot sa baybayin
at nagsimulang
magsagwan.
Ang panatag ng dagat.
Nalimutan kita
sa nakabubulag
na ganda ng araw,
sa nakababasang
lipad ng pilak
at gintong isda.
Nalimutan kita
sa pagsasagwan ko.
Nang biglang
may kumidlat
sa kaliwa kong mata.
Hindi ko pinansin.
Malamang
malikmata.
Nang bigla
kang lumitaw
sa harapan ko,
parang sumibat
mula sa butas
ng balyenang
sasagap ng hangin.
Wala ka pa ring ipinagbago.
Inalog ng mga binatang
kamay ng alon
ang bangka,
tumaob
sa gitna
ng malawak na bibig
ng dagat,
naumpog ako
sa katig,
tinakasan
ng ulirat.
At tinanong kita kung bakit mo ito ginagawa.
Nais mo ba akong malunod?
Nanatili kang
kasintahimik
ng kaninang dagat,
patuloy sa pagtanggi
na narito ako,
nakakainom
ng mapangahas na tubig,
unti-unting nililisan
ng hangin.
para pagkatiwalaan.
Umalis, tugon mo.
At umalis ako.
Sumakay sa bangkang
nilumot sa baybayin
at nagsimulang
magsagwan.
Ang panatag ng dagat.
Nalimutan kita
sa nakabubulag
na ganda ng araw,
sa nakababasang
lipad ng pilak
at gintong isda.
Nalimutan kita
sa pagsasagwan ko.
Nang biglang
may kumidlat
sa kaliwa kong mata.
Hindi ko pinansin.
Malamang
malikmata.
Nang bigla
kang lumitaw
sa harapan ko,
parang sumibat
mula sa butas
ng balyenang
sasagap ng hangin.
Wala ka pa ring ipinagbago.
Inalog ng mga binatang
kamay ng alon
ang bangka,
tumaob
sa gitna
ng malawak na bibig
ng dagat,
naumpog ako
sa katig,
tinakasan
ng ulirat.
At tinanong kita kung bakit mo ito ginagawa.
Nais mo ba akong malunod?
Nanatili kang
kasintahimik
ng kaninang dagat,
patuloy sa pagtanggi
na narito ako,
nakakainom
ng mapangahas na tubig,
unti-unting nililisan
ng hangin.
Huling Harana
Mahal Kita
Nang kumatok ka sa pinto ng mata ko, pinatuloy kita. At nakita mo ang lahat ng babaeng nakapiling ko. Tumalikod ka at nakita ang sarili mo, nakatayo sa malayo. Nang kumatok ka sa bintana ng isip ko, pinatuloy kita. At nalaman mo ang mga digmaang dumadaloy bawat araw-gabi ng buhay ko. Muntik ka nang tamaan ng tilamsik ng dugo ngunit nakaiwas ka. Nang kumatok ka sa puso ko, nandiri ka, dumikit ang kamao mo sa pulang kumunoy ng dibdib ko, nalulunod, pero paano kita sasagipin, O Sinta, kahihinga ko lang ng huli kong hininga sa walang-hanging silid ng buo mong pagkatao.
Paalam
Paano sasabihin ang salitang paalam nang walang luhang naririnig sa pag-usal? Paano sasabihin ang paalam at sa pagbigkas makakalisang panatag? Paano sasabihin ang salitang ito nang hindi nangangarap magkikita pang muli? Paano sasabihin nang hindi nagsisinungaling? Paalam. Paalam. Paalam. Paalam. Paano sasabihin ang salitang paalam nang sa gayo’y wala nang kailangan pang sabihin?
Mahal Kita
Paano pumapasok, paano lumalabas sa buhay ng iba? May hindi ba alam na ibang lagusan? Mahal kita, mumurahing salita ng isang makata. Iniibig kita, patawad, may nainom akong kung anong likido, katutunaw lang ng dila ko, mata ko na ang nagsasalita, yakap ng bisig, halik ng labi, ano ‘ka mo, itigil na natin ito? Huwag muna.
Nang kumatok ka sa pinto ng mata ko, pinatuloy kita. At nakita mo ang lahat ng babaeng nakapiling ko. Tumalikod ka at nakita ang sarili mo, nakatayo sa malayo. Nang kumatok ka sa bintana ng isip ko, pinatuloy kita. At nalaman mo ang mga digmaang dumadaloy bawat araw-gabi ng buhay ko. Muntik ka nang tamaan ng tilamsik ng dugo ngunit nakaiwas ka. Nang kumatok ka sa puso ko, nandiri ka, dumikit ang kamao mo sa pulang kumunoy ng dibdib ko, nalulunod, pero paano kita sasagipin, O Sinta, kahihinga ko lang ng huli kong hininga sa walang-hanging silid ng buo mong pagkatao.
Paalam
Paano sasabihin ang salitang paalam nang walang luhang naririnig sa pag-usal? Paano sasabihin ang paalam at sa pagbigkas makakalisang panatag? Paano sasabihin ang salitang ito nang hindi nangangarap magkikita pang muli? Paano sasabihin nang hindi nagsisinungaling? Paalam. Paalam. Paalam. Paalam. Paano sasabihin ang salitang paalam nang sa gayo’y wala nang kailangan pang sabihin?
Mahal Kita
Paano pumapasok, paano lumalabas sa buhay ng iba? May hindi ba alam na ibang lagusan? Mahal kita, mumurahing salita ng isang makata. Iniibig kita, patawad, may nainom akong kung anong likido, katutunaw lang ng dila ko, mata ko na ang nagsasalita, yakap ng bisig, halik ng labi, ano ‘ka mo, itigil na natin ito? Huwag muna.
Hindi Ko Mausal
Hindi ko mausal
ang pangalan mo.
Kagabi,
kausap ko si _____ sa telepono,
at sinabi niya
ang pangalan mo.
Napatahimik ako.
Naaalala kita.
Ang kutis mong gatas
na iniinom tuwing umaga.
Ang damit mong madilim
na ilog sa ilalim ng lupa.
Pero hindi ko mabigkas
ang pangalan mo.
Kahit sa alaala.
Baka marahil magbalik
tulad ng ulan, magbaha,
ang damdamin ko sa iyo
na sigang napuksa na
ng tubig mula sa gripo.
At natatakot akong
muling mabasa.
ang pangalan mo.
Kagabi,
kausap ko si _____ sa telepono,
at sinabi niya
ang pangalan mo.
Napatahimik ako.
Naaalala kita.
Ang kutis mong gatas
na iniinom tuwing umaga.
Ang damit mong madilim
na ilog sa ilalim ng lupa.
Pero hindi ko mabigkas
ang pangalan mo.
Kahit sa alaala.
Baka marahil magbalik
tulad ng ulan, magbaha,
ang damdamin ko sa iyo
na sigang napuksa na
ng tubig mula sa gripo.
At natatakot akong
muling mabasa.
Magkakilala
Magkakilala pa kaya tayo bukas
o kahit ang labi ng tasa'y
wala nang alaala tungkol sa atin?
Sira ang kandado ng pinto.
Labas-pasok ang nagugutom na aso.
Nagsasayaw ang alikabok
sa silahis ng araw
na nakapasok ng bintana.
o kahit ang labi ng tasa'y
wala nang alaala tungkol sa atin?
Sira ang kandado ng pinto.
Labas-pasok ang nagugutom na aso.
Nagsasayaw ang alikabok
sa silahis ng araw
na nakapasok ng bintana.
Hasmin
Kasalanan bang ibigin kita
habang humihiyaw ang hangin ng huwag?
Duwag ba ang paglimot sa mukha mo?
Matapang ba ang pagyakap sa iyo nang mahigpit?
Nakapikit ang langit ngayong mga araw na ito.
Natatapilok ako saan man magtungo.
habang humihiyaw ang hangin ng huwag?
Duwag ba ang paglimot sa mukha mo?
Matapang ba ang pagyakap sa iyo nang mahigpit?
Nakapikit ang langit ngayong mga araw na ito.
Natatapilok ako saan man magtungo.
Hardin Sa Ilalim Ng Gabi
Nakahiga sa damo,
sanga
ang bituin ngayong gabi,
at bilog ang buwan
tulad ng itim
ng mata mo.
Lihim
ang kati ng dahon
at may-sa-tagabulag na kulisap.
Nasa balat ng akasya,
nasa anino ng kawayan,
nasa mataas na lupa
ang mukha mo.
At sa likod ng sanga
(na bituin),
purong dilim.
Wala na ang buwan.
Nagpaalam
kasimbilis
ng hindi mo.
sanga
ang bituin ngayong gabi,
at bilog ang buwan
tulad ng itim
ng mata mo.
Lihim
ang kati ng dahon
at may-sa-tagabulag na kulisap.
Nasa balat ng akasya,
nasa anino ng kawayan,
nasa mataas na lupa
ang mukha mo.
At sa likod ng sanga
(na bituin),
purong dilim.
Wala na ang buwan.
Nagpaalam
kasimbilis
ng hindi mo.
Harana
Hayaan mong haranahin kita
habang himbing ang hangin at gabi
kapiling mo.
Ako na lang ang dudungaw
sa bintana ng panaginip mo.
Huwag ipikit ang sarili
habang hindi tapos ang awit.
At pakakawalan ko ang mga bituin:
Malaya ka na sa akin.
habang himbing ang hangin at gabi
kapiling mo.
Ako na lang ang dudungaw
sa bintana ng panaginip mo.
Huwag ipikit ang sarili
habang hindi tapos ang awit.
At pakakawalan ko ang mga bituin:
Malaya ka na sa akin.
Haplos Sa Hangin
Haplos lamang sa malapit na hangin
ang kaya kong gawin.
Pantawid sa pagnanais kong
mahawakan ka.
Huwag mong iwasan
ang pagdampi sa iyo ng hangin.
Pagbigyan mong kahit sandali,
maramdaman muli
ng palad ko ang iyong pisngi,
ng daliri ko ang iyong labi.
At sa pagdaiti,
tayo ay magiging isa
kahit may namamagitan pa ring hangin
sa ating dalawa.
ang kaya kong gawin.
Pantawid sa pagnanais kong
mahawakan ka.
Huwag mong iwasan
ang pagdampi sa iyo ng hangin.
Pagbigyan mong kahit sandali,
maramdaman muli
ng palad ko ang iyong pisngi,
ng daliri ko ang iyong labi.
At sa pagdaiti,
tayo ay magiging isa
kahit may namamagitan pa ring hangin
sa ating dalawa.
Hangin Balat Pinto: Paghihintay
Nangungulubot na balat
ng mesa, nanguluntoy
ang paghihintay ko sa harap
ng bukas na pinto, binubulong
ng hangin ang hindi mo pagdating,
sinisigaw hindi ka na darating,
pero sinagot ko siya,
pabalag: Sinungaling!
Mahal niya ako, darating siya’t
hihiga sa yakap ko,
kita mo.
Bulag ang hangin, walang mata,
nakalimutan ko. Sinara ko
ang pinto, maingat, tahimik,
nakayuko.
ng mesa, nanguluntoy
ang paghihintay ko sa harap
ng bukas na pinto, binubulong
ng hangin ang hindi mo pagdating,
sinisigaw hindi ka na darating,
pero sinagot ko siya,
pabalag: Sinungaling!
Mahal niya ako, darating siya’t
hihiga sa yakap ko,
kita mo.
Bulag ang hangin, walang mata,
nakalimutan ko. Sinara ko
ang pinto, maingat, tahimik,
nakayuko.
Hangin
Kumatok ako
at kumaluskos
ang sayaw mo
sa kahoy na sahig,
humaplos
ang tinig mo
sa tenga
ng dingding.
Kumatok ako
at nakatayo pa ring
naghihintay
sa harap ng pinto.
Kailan ka kaya
bababa
upang pagbuksan ako?
Hindi ako magnanakaw.
Hindi ako pampasikip
na aparador.
Hangin ako.
Nagpapahuni sa dahon at sanga,
kayakap
sa nangungulilang gabi,
naglalaho kapag ayaw makita.
Ako ang hanging
hinihinga mo tuwina.
at kumaluskos
ang sayaw mo
sa kahoy na sahig,
humaplos
ang tinig mo
sa tenga
ng dingding.
Kumatok ako
at nakatayo pa ring
naghihintay
sa harap ng pinto.
Kailan ka kaya
bababa
upang pagbuksan ako?
Hindi ako magnanakaw.
Hindi ako pampasikip
na aparador.
Hangin ako.
Nagpapahuni sa dahon at sanga,
kayakap
sa nangungulilang gabi,
naglalaho kapag ayaw makita.
Ako ang hanging
hinihinga mo tuwina.
Habang Tumutugtog Ang "Vocalise" ni Rachmaninoff
Tapos na.
Hinihiwa ng arko
ang huling kuwerdas
ng hangin.
Nakumutan na
ng hamog
ang hubad nating katawan
para sa isang gabi
ng himbing na pagtulog.
Nakalatag na
ang taghoy
ng malambot na palad
sa sahig
at kisame
ng ating dibdib.
Tapos na.
Hindi ko na makikita
kailanman
ang mukha mong
pinakamagandang lihim
sa lahat ng ganda.
Hindi ko na maririnig
kailanman
ang tinig mong
tanging makahahaplos
sa mahuhunang hibla
ng mapagkubli kong puso.
"Magandang gabi."
Inunahan na kita,
sinabi ko na
ang kandadong
pipinid
sa ating ugnayan,
ano man iyon.
"Mahal kita."
Hindi ko alam.
Gaya nga ng sabi mo,
kailan lang tayo
nagkakilala.
Tapos na
ang parang kay habang
istorya.
Paalam,
aking sirena.
Tinatabunan
ng hampas ng alon sa dalampasigan
ang kahit anong pahabol
ng damdamin.
Wala na akong ibang naririnig.
Hinihiwa ng arko
ang huling kuwerdas
ng hangin.
Nakumutan na
ng hamog
ang hubad nating katawan
para sa isang gabi
ng himbing na pagtulog.
Nakalatag na
ang taghoy
ng malambot na palad
sa sahig
at kisame
ng ating dibdib.
Tapos na.
Hindi ko na makikita
kailanman
ang mukha mong
pinakamagandang lihim
sa lahat ng ganda.
Hindi ko na maririnig
kailanman
ang tinig mong
tanging makahahaplos
sa mahuhunang hibla
ng mapagkubli kong puso.
"Magandang gabi."
Inunahan na kita,
sinabi ko na
ang kandadong
pipinid
sa ating ugnayan,
ano man iyon.
"Mahal kita."
Hindi ko alam.
Gaya nga ng sabi mo,
kailan lang tayo
nagkakilala.
Tapos na
ang parang kay habang
istorya.
Paalam,
aking sirena.
Tinatabunan
ng hampas ng alon sa dalampasigan
ang kahit anong pahabol
ng damdamin.
Wala na akong ibang naririnig.
Gabi-gabi Namamatay Ka
Gabi-gabi namamatay ka,
hindi ko man alam
kung bakit o paano.
Basta,
namamatay ka,
gabi-gabi.
Hindi ko alam
kung nag-iisa
o maraming kapiling.
Sa pamamagitan ba
ng punyal
o baril,
gamot o halaman,
pagsakal ng sarili,
pagpigil ng hininga,
pag-umpog sa pader,
paglundag sa bintana,
pagbigti,
paglaslas,
paglakbay sa labas ng katawan
at hindi na pagbalik,
isang bangungot.
Dahil ba sa pag-ibig,
kasintahan
o kaibigan,
kamag-anak,
magulang,
trabaho,
pag-aaral.
Dahil ba sa pagkabigo
nang natuklasang
wala palang laman
ang bula
kundi hangin.
Hindi ko alam.
Wala pa rin akong alam
maliban
sa masikip
ang mundo mo
at kailangan ko itong
galangin.
Gabi-gabi
namamatay ka,
at wala
akong magawa.
hindi ko man alam
kung bakit o paano.
Basta,
namamatay ka,
gabi-gabi.
Hindi ko alam
kung nag-iisa
o maraming kapiling.
Sa pamamagitan ba
ng punyal
o baril,
gamot o halaman,
pagsakal ng sarili,
pagpigil ng hininga,
pag-umpog sa pader,
paglundag sa bintana,
pagbigti,
paglaslas,
paglakbay sa labas ng katawan
at hindi na pagbalik,
isang bangungot.
Dahil ba sa pag-ibig,
kasintahan
o kaibigan,
kamag-anak,
magulang,
trabaho,
pag-aaral.
Dahil ba sa pagkabigo
nang natuklasang
wala palang laman
ang bula
kundi hangin.
Hindi ko alam.
Wala pa rin akong alam
maliban
sa masikip
ang mundo mo
at kailangan ko itong
galangin.
Gabi-gabi
namamatay ka,
at wala
akong magawa.
Gabi-gabi Namamatay Ako
Gabi-gabi namamatay ako.
Mag-isa.
Sa loob ng kuyom mong kamay.
Madilim.
Dalawa lang ang naririnig ko:
Ang taghoy ng di-umiikot na bentilador
at ang pamamaalam ng mga nagdaraang sasakyan.
Matigas ang pinapatungan ng braso ko.
Parang buto.
May naaninagan akong apoy sa malayo.
Patay-sindi.
Naghihingalong sanggol.
Patay-sindi.
Wala na.
Gabi-gabi namamatay ako.
At himbing kang nananaginip sa iyong kama.
Isa-isang naglalaho ang mga bituin.
Nakakasilaw ang liwanag ng buwan.
Napaatras ako.
Bumagsak una likod.
Hindi ako makatayo.
Dinaraganan ng hanging parang semento.
Walang pakiramdam.
Malamig.
Mag-isa.
Sa loob ng kuyom mong kamay.
Madilim.
Dalawa lang ang naririnig ko:
Ang taghoy ng di-umiikot na bentilador
at ang pamamaalam ng mga nagdaraang sasakyan.
Matigas ang pinapatungan ng braso ko.
Parang buto.
May naaninagan akong apoy sa malayo.
Patay-sindi.
Naghihingalong sanggol.
Patay-sindi.
Wala na.
Gabi-gabi namamatay ako.
At himbing kang nananaginip sa iyong kama.
Isa-isang naglalaho ang mga bituin.
Nakakasilaw ang liwanag ng buwan.
Napaatras ako.
Bumagsak una likod.
Hindi ako makatayo.
Dinaraganan ng hanging parang semento.
Walang pakiramdam.
Malamig.
Ermitanyo
Ayon
sa binunot na baraha
ng nakapikit kong matang
katotohanan
ang tanging inaasam,
ako raw
ay ermitanyo,
humakbang papasok
sa walang-labasang yungib
habang buo
ang makintab na palad
ng buwan
at di-nahihiyang
nagtatalik
ang paniki at bituin
sa nakalatag na banig
ng gabi.
Dati akong mangingisda
sa maramdaming dibdib
ng dagat,
ngayo'y hinahagod
ang batok ng aking bangka,
inaaloy ng alon
ang sagwan at katig
na napapahikab na,
maya-maya'y tila kami itinali
sa buntot ng pageng
walang-tigil na iniikot
sa kagustuhang makalikha
ng makulay na buhawi.
Dati akong umibig
sa isang sirenang
walang nakakakita
kundi mata
ng mamalakayang
lumaot,
isang madaling araw
nang gumagapang ang talangka
sa ibabaw ng tubig
at hinahalikan
ng mga lumilipad na isda
ang labi ng langit,
sumumpa ako
at tinalikuran
ng parang matandang dalagang
tinakasan
ng pandinig,
banayad na banaag
na lamang
ang gumising
sa aking pagkatulala
at nagsabing humayo na ako
sa baybayin.
At ngayon,
may hawak akong
matulis na bato,
umuukit ng tula
sa malambot na dingding
ng aking santuwaryo
habang nakatutuksong
sumisiyap
ang silahis,
inaaya akong lumabas
at makipagkuwentuhan
sa nalulumbay
na sanga ng kakawate.
sa binunot na baraha
ng nakapikit kong matang
katotohanan
ang tanging inaasam,
ako raw
ay ermitanyo,
humakbang papasok
sa walang-labasang yungib
habang buo
ang makintab na palad
ng buwan
at di-nahihiyang
nagtatalik
ang paniki at bituin
sa nakalatag na banig
ng gabi.
Dati akong mangingisda
sa maramdaming dibdib
ng dagat,
ngayo'y hinahagod
ang batok ng aking bangka,
inaaloy ng alon
ang sagwan at katig
na napapahikab na,
maya-maya'y tila kami itinali
sa buntot ng pageng
walang-tigil na iniikot
sa kagustuhang makalikha
ng makulay na buhawi.
Dati akong umibig
sa isang sirenang
walang nakakakita
kundi mata
ng mamalakayang
lumaot,
isang madaling araw
nang gumagapang ang talangka
sa ibabaw ng tubig
at hinahalikan
ng mga lumilipad na isda
ang labi ng langit,
sumumpa ako
at tinalikuran
ng parang matandang dalagang
tinakasan
ng pandinig,
banayad na banaag
na lamang
ang gumising
sa aking pagkatulala
at nagsabing humayo na ako
sa baybayin.
At ngayon,
may hawak akong
matulis na bato,
umuukit ng tula
sa malambot na dingding
ng aking santuwaryo
habang nakatutuksong
sumisiyap
ang silahis,
inaaya akong lumabas
at makipagkuwentuhan
sa nalulumbay
na sanga ng kakawate.
Elevator
Pagpasok
sa malamig
na kahong silid,
maraming bagay
ang bumabagabag
sa atin.
Kung saan
nga ba talaga
tayo patungo.
Hanggang kailan
ang paglalakbay.
Bakit tayo
ang magkasama.
Ilang panik
at panaog na ba
ang naganap.
Bakit malamig.
Bakit tayo
nakakulong.
Sa isang kahon.
Sa isang bakal na kahon.
Kailan pa tayo naging
makasalanan.
Pagbukas ng pinto,
pagsara
ng pinto,
labas-
pasok
ang tao,
nakatayo tayo
sa loob,
ayaw lumabas
dahil natatakot,
baka maling palapag,
baka maling kahon,
baka maling pinto,
baka mali.
Unti-unti tayong naglalaho,
nagiging bahagi
ng dingding.
sa malamig
na kahong silid,
maraming bagay
ang bumabagabag
sa atin.
Kung saan
nga ba talaga
tayo patungo.
Hanggang kailan
ang paglalakbay.
Bakit tayo
ang magkasama.
Ilang panik
at panaog na ba
ang naganap.
Bakit malamig.
Bakit tayo
nakakulong.
Sa isang kahon.
Sa isang bakal na kahon.
Kailan pa tayo naging
makasalanan.
Pagbukas ng pinto,
pagsara
ng pinto,
labas-
pasok
ang tao,
nakatayo tayo
sa loob,
ayaw lumabas
dahil natatakot,
baka maling palapag,
baka maling kahon,
baka maling pinto,
baka mali.
Unti-unti tayong naglalaho,
nagiging bahagi
ng dingding.
dati
di ko kailangan ng titig mong
panandalian lamang
o ng mga ngiti mong
bahaghari sa kalangitan
mas nanaisin ko pang
ako'y iyong isnabin at maglaho sa karamihan
at sabay pa nating duraan ang nakaraan
kaysa ilibre mo ako
sa sakay ng iyong duyan
at pag nasa itaas na ay itulak
para bumalik sa lupa.
panandalian lamang
o ng mga ngiti mong
bahaghari sa kalangitan
mas nanaisin ko pang
ako'y iyong isnabin at maglaho sa karamihan
at sabay pa nating duraan ang nakaraan
kaysa ilibre mo ako
sa sakay ng iyong duyan
at pag nasa itaas na ay itulak
para bumalik sa lupa.
Damdamin
Paano nga ba hinahawakan ang damdamin
nang hindi ito magtagas at tunawin ang marmol na sahig,
nang hindi ito makalipad at mapaslang ng ligaw na bala,
nang hindi ito malunod sa namumuong kumunoy ng pawis?
Sabihin mo sa akin pagkat hindi ko alam.
Sabihin mo - ikaw na kayang palisin
ang anumang alikabok na dumapo sa gunita -
sabihin mo sa akin - akong alipin
ng malikot na patalim na tinatawag nilang
damdamin - sabihin mo sa akin
pagkat wala akong alam,
sapagkat puno ng bangkay ng ibon ang butas at basang lupa.
nang hindi ito magtagas at tunawin ang marmol na sahig,
nang hindi ito makalipad at mapaslang ng ligaw na bala,
nang hindi ito malunod sa namumuong kumunoy ng pawis?
Sabihin mo sa akin pagkat hindi ko alam.
Sabihin mo - ikaw na kayang palisin
ang anumang alikabok na dumapo sa gunita -
sabihin mo sa akin - akong alipin
ng malikot na patalim na tinatawag nilang
damdamin - sabihin mo sa akin
pagkat wala akong alam,
sapagkat puno ng bangkay ng ibon ang butas at basang lupa.
Dalawang Saknong, Anim Na Taludtod Ng Paalam
Kuyom ang puso kong hindi
na hahaplos yayakap hahalik
sa nakadamit mong katawan.
Wala na itong silbi kundi
panuntok sa pader na laging
mas matigas at hindi nasusugatan.
na hahaplos yayakap hahalik
sa nakadamit mong katawan.
Wala na itong silbi kundi
panuntok sa pader na laging
mas matigas at hindi nasusugatan.
Dahon
Bumaba ako ng silid
upang hanapin ang dahong
aakma
sa dibdib ko.
Maraming dahong nalaglag
kaninang madaling-araw.
Pumulot ako ng isa,
kasing-init ng araw,
ngunit hindi ako napaso
dahil may hinahanap akong iba.
Pinulot ko ang patay
na dahong kapiling ng buhay,
lunti, dilaw, at iba pang tingkad,
pinulot ko ang kayumanggi
at may duguang ugat.
Pinulot ko at hindi na binitawan
bagkus pinag-aralan.
At nakita ko ang mga sangang
pulu-pulupot
nang gabing walang buwan,
ang lupang sumunog sa talampakan,
bitak-bitak ang pitak.
At nakita ko ang puso mo,
pagkatapos ng mga araw at gabi
ng pagtatago,
tulad ng napapanaginipan,
maraming hiwa,
maraming lamat,
nakakatakot hawakan,
baka dumami ang sugat,
baka lalong dumugo,
magbaha ng pula,
at malunod akong
naghahanap lamang
ng dahong aakma
sa aking dibdib.
upang hanapin ang dahong
aakma
sa dibdib ko.
Maraming dahong nalaglag
kaninang madaling-araw.
Pumulot ako ng isa,
kasing-init ng araw,
ngunit hindi ako napaso
dahil may hinahanap akong iba.
Pinulot ko ang patay
na dahong kapiling ng buhay,
lunti, dilaw, at iba pang tingkad,
pinulot ko ang kayumanggi
at may duguang ugat.
Pinulot ko at hindi na binitawan
bagkus pinag-aralan.
At nakita ko ang mga sangang
pulu-pulupot
nang gabing walang buwan,
ang lupang sumunog sa talampakan,
bitak-bitak ang pitak.
At nakita ko ang puso mo,
pagkatapos ng mga araw at gabi
ng pagtatago,
tulad ng napapanaginipan,
maraming hiwa,
maraming lamat,
nakakatakot hawakan,
baka dumami ang sugat,
baka lalong dumugo,
magbaha ng pula,
at malunod akong
naghahanap lamang
ng dahong aakma
sa aking dibdib.
Dagat Sa Pagitan
Nakatayo ako sa matalim,
parang bagang buhangin
ng dalampasigan.
Nasa kabila kang pampang.
At kapwa nating naririnig
ang pahatid ng hangin:
"Lumangoy
tulad ng pawikang
sabik sa yakap ng dagat,
at sa gitna,
magtatagpo,
at di na magwawalay,
saksi
ang alon
sa lahat ng ito."
Ngunit kapwa tayo walang-tinag,
parang mga rebultong bato
ng walong dantaon,
bingi.
Ano kaya ang lasa ngayon
ng dagat?
Ano kaya kung lumundag
tayo sa tubig,
dalawang isdang pauwi,
kumatha
ng mga ngayon-lang-nasilayang hugis
sa basang lona,
at nagkita tayo sa gitna,
gaya ng sabi ng hangin,
sandaling tumigil
ang langoy ng mga alon,
hindi na tayo nagwalay
kailanman?
parang bagang buhangin
ng dalampasigan.
Nasa kabila kang pampang.
At kapwa nating naririnig
ang pahatid ng hangin:
"Lumangoy
tulad ng pawikang
sabik sa yakap ng dagat,
at sa gitna,
magtatagpo,
at di na magwawalay,
saksi
ang alon
sa lahat ng ito."
Ngunit kapwa tayo walang-tinag,
parang mga rebultong bato
ng walong dantaon,
bingi.
Ano kaya ang lasa ngayon
ng dagat?
Ano kaya kung lumundag
tayo sa tubig,
dalawang isdang pauwi,
kumatha
ng mga ngayon-lang-nasilayang hugis
sa basang lona,
at nagkita tayo sa gitna,
gaya ng sabi ng hangin,
sandaling tumigil
ang langoy ng mga alon,
hindi na tayo nagwalay
kailanman?
crush ng bayan
mahirap talagang dumiskarte sa crush ng bayan
dumarating na lang sa puntong
feeling niya:
tulad ka ng majority ng bayan
at ana bad trip doo'y
hindi naman.
at dumarating na nga rin lang sa punto
na sukang-suka ka na
sa pakikipagbolahan sa sarili mo't sa kanya
na ika'y in-lab
nag-aalay ng isang wagas na pagmamahal
pweh!
panahon na siguro
para maglipat-bayan.
dumarating na lang sa puntong
feeling niya:
tulad ka ng majority ng bayan
at ana bad trip doo'y
hindi naman.
at dumarating na nga rin lang sa punto
na sukang-suka ka na
sa pakikipagbolahan sa sarili mo't sa kanya
na ika'y in-lab
nag-aalay ng isang wagas na pagmamahal
pweh!
panahon na siguro
para maglipat-bayan.
Bulalakaw
Nakahiga sa dalampasigan kasama ng barkada.
Puno ang gabi ng bituin.
Nagpaparamihan ng nakikitang bulalakaw ang mga kasama ko habang wala akong makita ni isa.
Bulag ba ang mata ko sa ganitong uri ng bituin?
Masyado bang mabilis ang kanilang pagbulusok o masyado lang mabagal na ang aking mata?
Sa sandali ng pagsuko, may nasilayan akong isa.
Pagkatapos, ipinikit ko ang aking mata para hindi na siya makaalis at nakatulog.
Puno ang gabi ng bituin.
Nagpaparamihan ng nakikitang bulalakaw ang mga kasama ko habang wala akong makita ni isa.
Bulag ba ang mata ko sa ganitong uri ng bituin?
Masyado bang mabilis ang kanilang pagbulusok o masyado lang mabagal na ang aking mata?
Sa sandali ng pagsuko, may nasilayan akong isa.
Pagkatapos, ipinikit ko ang aking mata para hindi na siya makaalis at nakatulog.
Buto Ng Mabulo
Nangingiliti
ng dulo ng dila
ang paghulog
ng buto
ng mabulo
sa lupa.
Ibang uring
kirot,
wala
sa ating karanasan,
ang pagkakapigtal niya
sa puno.
Paghihiwalay,
lilibutin
ang makitid
na laan
ng hangin,
hinihilo
ang sarili,
umiikot,
iniikot.
Hinihiwa
ang galang-galangan
ng hangin,
hinihiwa
ng matatalim
na ugat
ng hangin.
Naliligo
sa aninag
na dugo
ng saglit
na pagtatalik.
Hanggang
sa makalapag,
makahiga
sa lupa,
nakahilata,
lubhang
nalulula,
sumasagitsit-
umaalon
ang naaalalang
kabataan,
makakalimutan,
hindi na mahalaga,
hihintayin
ang kamatayang
hindi na
masakit.
Kangina,
siya
ang pinakamagandang
nilalang
sa lahat,
lumilipad.
ng dulo ng dila
ang paghulog
ng buto
ng mabulo
sa lupa.
Ibang uring
kirot,
wala
sa ating karanasan,
ang pagkakapigtal niya
sa puno.
Paghihiwalay,
lilibutin
ang makitid
na laan
ng hangin,
hinihilo
ang sarili,
umiikot,
iniikot.
Hinihiwa
ang galang-galangan
ng hangin,
hinihiwa
ng matatalim
na ugat
ng hangin.
Naliligo
sa aninag
na dugo
ng saglit
na pagtatalik.
Hanggang
sa makalapag,
makahiga
sa lupa,
nakahilata,
lubhang
nalulula,
sumasagitsit-
umaalon
ang naaalalang
kabataan,
makakalimutan,
hindi na mahalaga,
hihintayin
ang kamatayang
hindi na
masakit.
Kangina,
siya
ang pinakamagandang
nilalang
sa lahat,
lumilipad.
Bilog Sa Paligid Mo
Sa hawak na chalk,
gumuhit ka ng bilog
sa paligid mo.
Walang makakapasok.
Hindi ka makakalabas.
Nakalimutan mong magdala
ng pambura,
at walang silbi
ang kamay ko.
Lumipas ang limang taon
nang parang walang pagbabago:
Hindi ka nauhaw,
hindi ka nagutom,
hindi ka nanlagkit sa pawis,
hindi ka nanigas sa lamig.
Hindi pa kita kilala noon.
Ngayon,
kapwa tayong nagdurusa,
kapwa lamang nakatitig
sa bilog na ginuhit mo
minsan.
gumuhit ka ng bilog
sa paligid mo.
Walang makakapasok.
Hindi ka makakalabas.
Nakalimutan mong magdala
ng pambura,
at walang silbi
ang kamay ko.
Lumipas ang limang taon
nang parang walang pagbabago:
Hindi ka nauhaw,
hindi ka nagutom,
hindi ka nanlagkit sa pawis,
hindi ka nanigas sa lamig.
Hindi pa kita kilala noon.
Ngayon,
kapwa tayong nagdurusa,
kapwa lamang nakatitig
sa bilog na ginuhit mo
minsan.
balut
pagkatapos mabalutbot
ng aking kanang hintuturo
ang bumbunan
ng iyong biluhabang baluti
bumutas
ng isang batang bilog
katulong
ng aking kanang hinlalaki
budburan
ng isang kurot ng asin
at higupin
ang iyong nagsisilakbong sabaw
bibiyakin kita
kakainin ang iyong masustansiyang burok
at paliliparin ang iyong kiti
ng aking kanang hintuturo
ang bumbunan
ng iyong biluhabang baluti
bumutas
ng isang batang bilog
katulong
ng aking kanang hinlalaki
budburan
ng isang kurot ng asin
at higupin
ang iyong nagsisilakbong sabaw
bibiyakin kita
kakainin ang iyong masustansiyang burok
at paliliparin ang iyong kiti
Bakit Ako Malungkot
Bakit ako malungkot
at kinukupkop ko agad
ang unang babaeng maligaw
sa bakuran ko
hindi man siya akma
sa dibdib?
Bakit ako mahina
at gumuguho agad,
parang lumang tore,
bundok ng buhangin,
sa pag-alis niya?
Bakit ako mahiwaga
at hindi ko alam
kung kailan bukas
o nakakandado
ang tarangkahan ng lunggati?
Bakit ako may alaala
ng mukha niya
ng katawan niya
ng labi niya
ng boses niya
na hindi naman maitapon parang basura
hindi naman mabura parang mali sa pisara?
Bakit wala akong masisi
maliban sa sarili?
at kinukupkop ko agad
ang unang babaeng maligaw
sa bakuran ko
hindi man siya akma
sa dibdib?
Bakit ako mahina
at gumuguho agad,
parang lumang tore,
bundok ng buhangin,
sa pag-alis niya?
Bakit ako mahiwaga
at hindi ko alam
kung kailan bukas
o nakakandado
ang tarangkahan ng lunggati?
Bakit ako may alaala
ng mukha niya
ng katawan niya
ng labi niya
ng boses niya
na hindi naman maitapon parang basura
hindi naman mabura parang mali sa pisara?
Bakit wala akong masisi
maliban sa sarili?
Bagabag
Hindi ba dapat
kapag natutulog
paralisado ang buong katawan
maliban lang sa mata
mga daliri sa kamay at paa?
Pero bakit
mo ako sinusuntok
sinisipa
at pagkatapos
yayakapin nang buong higpit
tila mamamaalam?
kapag natutulog
paralisado ang buong katawan
maliban lang sa mata
mga daliri sa kamay at paa?
Pero bakit
mo ako sinusuntok
sinisipa
at pagkatapos
yayakapin nang buong higpit
tila mamamaalam?
Babaeng Rosas
Pag-alis ko ng huling dahong
nagpapaalala ng lunting kidlat,
tumambad ang babaeng rosas
sa harap ko:
Kakulay ng sariwang makopa
ang himbing na katawan,
lumulutang sa ibabaw ng kama ng kumunoy.
Tinitigan ko lang siya nang tinitigan,
nakapaligid ang kalansay
ng mangangaso, sundalo, at iba pang
estrangherong tulad ko.
Lumapit ako’t binunot ang tangkay niya
mula sa basang lupa,
at naglakad palayo,
naaapakan ang ilang buto,
ginagabayan ng piping silahis ang paa ko.
Hindi ko alam
kung mamamatay siya sa kamay ko
bago magtakipsilim,
pinipilas ng tinik ang palad ko,
naghahalo ang dugo at liwanag sa daan.
Mahal kaya niya ako?
Ngunit wala siyang kaimik-imik.
nagpapaalala ng lunting kidlat,
tumambad ang babaeng rosas
sa harap ko:
Kakulay ng sariwang makopa
ang himbing na katawan,
lumulutang sa ibabaw ng kama ng kumunoy.
Tinitigan ko lang siya nang tinitigan,
nakapaligid ang kalansay
ng mangangaso, sundalo, at iba pang
estrangherong tulad ko.
Lumapit ako’t binunot ang tangkay niya
mula sa basang lupa,
at naglakad palayo,
naaapakan ang ilang buto,
ginagabayan ng piping silahis ang paa ko.
Hindi ko alam
kung mamamatay siya sa kamay ko
bago magtakipsilim,
pinipilas ng tinik ang palad ko,
naghahalo ang dugo at liwanag sa daan.
Mahal kaya niya ako?
Ngunit wala siyang kaimik-imik.
Ayoko Na
Ayoko nang magsulat tungkol sa iyo, mahal.
Pagkat hindi mo ako mahal.
Pagkat para sa iyo ang mga salitang itong
hindi ko tiyak kung maririnig mo pa.
Ayoko nang magsulat tungkol sa iyo, mahal.
Pagkat mahal mo man ako,
hindi mo ito sinasabi.
Pagkat lagi mo akong tinutukso
ng iyong pag-ibig na hindi ko marinig.
Mahal, ayoko nang magsulat tungkol sa iyo.
Pagkat nasasayang lang ang mga salita ko.
Pagkat hindi mo ako mahal.
Pagkat para sa iyo ang mga salitang itong
hindi ko tiyak kung maririnig mo pa.
Ayoko nang magsulat tungkol sa iyo, mahal.
Pagkat mahal mo man ako,
hindi mo ito sinasabi.
Pagkat lagi mo akong tinutukso
ng iyong pag-ibig na hindi ko marinig.
Mahal, ayoko nang magsulat tungkol sa iyo.
Pagkat nasasayang lang ang mga salita ko.
Ayaw Maniwala
Ayaw mong maniwala
sa aking sumpa:
Mahal kita.
Dumudulas
ang luha mo sa ulap
ng iyong pisngi,
parang batang tuluy-tuloy
pababa ng padulasang
pinakinis ng tela at panahon.
sa aking sumpa:
Mahal kita.
Dumudulas
ang luha mo sa ulap
ng iyong pisngi,
parang batang tuluy-tuloy
pababa ng padulasang
pinakinis ng tela at panahon.
Araw At Buwan
Lumulubog ang araw.
Talang nalalaglag,
hindi mapigil ng palad ko.
Luha ng apoy,
nagbabaga,
sinusunog ang mahuhunang mata.
Bukas, sisikat siyang muli.
Alam ko.
Kapiling ng iba.
Maligaya ang araw
at ang iba niyang kapiling
bukas.
Paglingon, nakita ko ang buwan.
Kasimbilog ng hubad na mata.
Sa pusod ng dilim.
Ngayon lang ako nakakita
ng ganito kagandang tanawin.
Talang nalalaglag,
hindi mapigil ng palad ko.
Luha ng apoy,
nagbabaga,
sinusunog ang mahuhunang mata.
Bukas, sisikat siyang muli.
Alam ko.
Kapiling ng iba.
Maligaya ang araw
at ang iba niyang kapiling
bukas.
Paglingon, nakita ko ang buwan.
Kasimbilog ng hubad na mata.
Sa pusod ng dilim.
Ngayon lang ako nakakita
ng ganito kagandang tanawin.
Ang Puso Ko
Gising na gising
ang puso ko:
Paano ako makakatulog?
Ipikit ang mata niya?
Paano?
Dukiting parang mata?
Ihele hanggang mahimbing?
Ngunit wala siyang tenga.
Gutom? Nasaan ang kanyang bibig?
A, kailangan niya ng pag-ibig:
Nasaan ka mahal
ngayong napakahabang gabi?
ang puso ko:
Paano ako makakatulog?
Ipikit ang mata niya?
Paano?
Dukiting parang mata?
Ihele hanggang mahimbing?
Ngunit wala siyang tenga.
Gutom? Nasaan ang kanyang bibig?
A, kailangan niya ng pag-ibig:
Nasaan ka mahal
ngayong napakahabang gabi?
Ang magkasintahang mahilig manood ng pelikulang tungkol sa pag-ibig
Sa paglaho ng telon paitaas,
nagsimula nang magsanib
ang kamay ng magkasintahang
mahigpit na magkahawak.
Pagmamasdan nila
ang titig ng bawat isa,
lumilikha ng pumapagitang tulay
na sila lamang ang nakakakita,
at doon magdaraan
pabalik-balik
hanggang sapian ng pagod
at humimlay sa kamang
naghihintay sa likod ng talukap.
nagsimula nang magsanib
ang kamay ng magkasintahang
mahigpit na magkahawak.
Pagmamasdan nila
ang titig ng bawat isa,
lumilikha ng pumapagitang tulay
na sila lamang ang nakakakita,
at doon magdaraan
pabalik-balik
hanggang sapian ng pagod
at humimlay sa kamang
naghihintay sa likod ng talukap.
Ang Dalagang Dalawa Ang Puso
Hindi niya alam na dalawa pala ang puso niya, kaya nang may biglang tumibok sa kanyang dibdib kasaliw ng nakasanayan nang dating pintig, nagulat siya at kinabahan, pinagpawisan ng malamig. Inisip niya na bahagi lang iyon ng parehong puso na naghihingalo na, isang kapalit na karugtong, katulad. Ngunit makalipas ang dalawang linggo, dalawang ritmo pa rin ang kanyang naririnig, magkaiba. Ang unang parang pintura, nakakuwadrong larawan ng nagbabanyuhay na kulay. Ang bago namang tulad ng musika, awit na umiilanlang, mga notang abot lamang ng pandinig. Kapwa niya gusto. At sino nga naman ba ang tumatanggi.
Ngunit isang araw, may narinig na naman siyang kakatwang tunog mula sa dako ng dalawang pintig, parang nakakaaliw na bungisngis ng payaso. Kinagabihan, may umusbong na parang bulong ng dagat na inuyayi siya hanggang mahimbing. Paggising niya, isang kahawig ng pulso ng masiglang araw. Hanggang sa manikip ang dibdib niya sa dami ng nagsusulputang puso roon. Biglang-bigla, naging kirot ng sanlaksang tinik na nakatutulig ang kanina lang na pagtatampisaw sa dalawang ulap. Kaya binasag niya ang salamin sa kanyang harap, at bumagsak sa paanan ang mga piraso ng inaaninag niyang sarili. Pinulot niya ang pinakamatalim na bubog at pinagpapaslang ang lahat ng puso sa kanyang dibdib hanggang takasan ng huling hininga.
Ngunit isang araw, may narinig na naman siyang kakatwang tunog mula sa dako ng dalawang pintig, parang nakakaaliw na bungisngis ng payaso. Kinagabihan, may umusbong na parang bulong ng dagat na inuyayi siya hanggang mahimbing. Paggising niya, isang kahawig ng pulso ng masiglang araw. Hanggang sa manikip ang dibdib niya sa dami ng nagsusulputang puso roon. Biglang-bigla, naging kirot ng sanlaksang tinik na nakatutulig ang kanina lang na pagtatampisaw sa dalawang ulap. Kaya binasag niya ang salamin sa kanyang harap, at bumagsak sa paanan ang mga piraso ng inaaninag niyang sarili. Pinulot niya ang pinakamatalim na bubog at pinagpapaslang ang lahat ng puso sa kanyang dibdib hanggang takasan ng huling hininga.
Ang Babaeng Nakaputi
Sa kabilang kanto pa talaga ako,
pero napapara ako agad
nang makita ko siya,
nag-iisang nag-aabang ng dyip.
Pagbaba ko, nakatawid na siya
(hindi pala siya mamamasahero).
Hahabulin ko ba
o tutuloy na sa patutunguhan ko?
Medyo hinahabol ko pa
ang hininga ko nang maabutan ko siya’t
nakipagkilala.
Tapos, tiningnan niya ako’t
nagsaputing usok
na panipis nang panipis.
pero napapara ako agad
nang makita ko siya,
nag-iisang nag-aabang ng dyip.
Pagbaba ko, nakatawid na siya
(hindi pala siya mamamasahero).
Hahabulin ko ba
o tutuloy na sa patutunguhan ko?
Medyo hinahabol ko pa
ang hininga ko nang maabutan ko siya’t
nakipagkilala.
Tapos, tiningnan niya ako’t
nagsaputing usok
na panipis nang panipis.
Akit
Basang bato-balaning
hinahatak ako
ng suso mo.
Bakal at kahoy
akong tumutugon.
Ngunit hindi
makagalaw
ang braso kong
nakapako,
nakatali
ang binti ko.
At hindi ko
kayang kalagan
ang sarili ko.
At ayaw
mo akong
pakawalan.
Pero hinahayaan
mong buntutan ka
ng mata mo,
makiliti
ang tenga ko
sa pinakamaliit
mong kilos.
Hindi mo arok
ang pagdurusa ko.
hinahatak ako
ng suso mo.
Bakal at kahoy
akong tumutugon.
Ngunit hindi
makagalaw
ang braso kong
nakapako,
nakatali
ang binti ko.
At hindi ko
kayang kalagan
ang sarili ko.
At ayaw
mo akong
pakawalan.
Pero hinahayaan
mong buntutan ka
ng mata mo,
makiliti
ang tenga ko
sa pinakamaliit
mong kilos.
Hindi mo arok
ang pagdurusa ko.
Akin Ang Along Ito
Akin ang along ito,
bulalakaw ng dagat
sa ilalim
ng mabigat na ulap
at iilang anino ng bituin.
Kaninong dugo
ang nananalaytay
sa alon ko?
Sa iyo?
Mula sa pulso mo?
Gutom ang gabi
at pilit inaangkin
ang tabsik at tabsing
ng along akin lang.
Akin lang.
May iba pang paparating.
Malayo ang baybayin.
Sinaklot ko ang alon ko
para iuwi,
isasaboy sa lona,
ngunit hindi nakaya ng kamay
ang kanyang alat,
umagos palabas
ng bumukas na sisidlan,
nagbalik sa dagat.
Hindi ko na siya makilala.
bulalakaw ng dagat
sa ilalim
ng mabigat na ulap
at iilang anino ng bituin.
Kaninong dugo
ang nananalaytay
sa alon ko?
Sa iyo?
Mula sa pulso mo?
Gutom ang gabi
at pilit inaangkin
ang tabsik at tabsing
ng along akin lang.
Akin lang.
May iba pang paparating.
Malayo ang baybayin.
Sinaklot ko ang alon ko
para iuwi,
isasaboy sa lona,
ngunit hindi nakaya ng kamay
ang kanyang alat,
umagos palabas
ng bumukas na sisidlan,
nagbalik sa dagat.
Hindi ko na siya makilala.

